Baha.Stranded.Init ulo tapos gutom ka pa sa tagal mo nang nakaupo dyan sa jeep o fx.
Bumuhos ang napakalakas na ulan sa loob lamang na ilang minuto,BAHA na ang malaking bahagi ng Metro Manila.Yikes! Mapa FB man o twitter,karamihan sa nakikita kong posts o status ngayong hapon maging sa balita ay tungkol sa baha dulot ng malakas na ulan kanina.Andaming napipikon at naiinis dahil sa matagal na traffic dahil di na makadaan ang mga sasakyan sa kalsada.Mataas ang tubig kasi. Atleast may internet connection ka at nakapag status ka pa di ba.Yung iba naman,biglang nagkaroon ng panahong mabasa sa wakas yang libro na dinownload ng halos isang taon na ata ang nakakaraan at ngayon lang naisipang basahin.Kundi dahil sa baha,aabutin pa yan ng 10 years! Haha Going back,may ibang pa ngang nakapagstatus upang batikusin ang gobyerno.Tigilan daw pangungurakot at ayusin ang drainage! Iba talaga ang nagagawa ng baha.Masusubukan ang pasensya,lakas at pagkatao mo. Yung iba,GALIT SA ULAN! Bakit ba daw ulan ng ulan! Umuulan na naman! Tingin ko,walang kasalanan ang ulan dahil yun talaga ang nature nya.Uulan pag kailangan.Tingin ko,parang sobra naman atang magalit tayo sa ulan eh ginagampanan lang naman nya ang role nya bilang ULAN.Magreklamo ka kung umulan ng apoy. Iba na yun,Apocalypse na.Matakot ka pag nangyari yun.Hahaha. Anyway,wala akong pinagkaiba sa kahit sino lalo pa't ang iksi ng pasensya ko.Siguro,pag isa ako sa mga stranded ngayon,malamang magrereklamo din ako. Naisip ko lang,bakit ba anlalakas nating magreklamo o magdemand ng kung ano ano pero ni balat ng kendi o basura natin di natin kayang itapon sa basurahan? It all starts small sabi nila.Ang Maynila for example.Ilang minutong ulan,baha na agad tapos makikita mo lumulutang ang mga basura. Makikita mo may mga drainage naman,di naman bumababa tubig,barado dahil sa basura! Tama nga,may magagawa ang gobyerno pero sino ba ang gobyerno? Sa tingin ko,kapag ang gobyerno natin ay binubuo ng responsible at disiplinadong mamamayan,di siguro tayo madalas bahain ng ganyan. Sa mga gumamit ng social media para ipaabot ang hinain o di kaya just to raise awareness,salamat pero sana din gampanan natin ang ating role bilang isang mamamayan. Disiplina din lang talaga lalo na sa basura.Madaming tao talaga ang hindi ko maintindihan.Kadalasan pansin ko yun sa CR.Yung mga tissue,nasa sahig katabi ng basurahan! Tingin ko malaki ang maitutulong natin starting in our own small little ways gaya ng pagtapon ng basura ng tama.Tingin ko madami tayong magagagawa upang makatulong.Kaysa magreklamo,think of other ways to help.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|