"Eh ano nga birthday wish mo, ano gusto mo regalo" kinukulit ko si Mama kahapon nung tumawag ako para batiin sya sa kanyang 58th birthday. Natigilan sya at mukhang matagal bago sya sumagot ng " Wala. Di ko Alam". Bakit wala, meron yan. Malay mo kaya kong ibigay. "Wag lang magtanggal ng uban nyo buong araw dahil mas malabo na po mata ko kesa inyo", pabiro kong sabi sa kanya. " Ewan ko. Wala akong maisip. Imbes na gagastos ka, ipunin mo na lang yan para magamit mo pa sa mas kailangan mo" ang payo nya sa akin.
" Sus,Weh, di nga. Pang Beauty Pagent lang ang sagot? Mama talaga, nahiya ka pa. Ayaw mo pang sabihin eh gustong gusto mo chocolates noh" Natawa na lang sya. Yes, napatawa ko si mama! Achievement sa akin yun. Isa kasi yun sa birthday wish ko sa kanya last year.Matagal na ding panahon na di ko nakita o narinig na tumawa si mama. Sinikap kong iimagine ang matamis nyang ngiti habang kausap ko sya. " yiii, chocolate lang pala magpapasaya sa 'yo. Cheap ni mama. Tawanan ulit. Ayan, labas dimples nya dahil nakarinig ng chocolate" ang panunukso ko sa kanya.
0 Comments
|
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|