Miss, lipat ka na lang sa kabilang jeep, ako bahala sa 'yo" 3am na naman. Habang ang karamihan ay nasa kasarapan ng tulog, ako ay papasok na sa trabaho. Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng shift na madaling araw. Sumakay ako mula Don Antonio ng jeep na may " Zabarte/ SM FAIRVIEW" na signboard. May mga pitong pasahero ang jeep nung sumakay ako pero pagdating sa Litex, ako na lang ang sakay. Sinabihan ako ng driver na kailangan daw nya ako ilipat dahil lugi daw sya sa gasolina pag ako lang ang sakay. Gusto kong manumbat, gusto kong sabihin sa kanya na OA naman ata ang expectation nya na dapat punuan ang jeep sa madaling araw! Pero maaga pa at ayokong masira agad araw ko kaya tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naglilipat sila ng pasahero.Madalas gawain yan ng mga drivers sa madaling araw. Naiintindihan ko naman yung part na magastos sa gsolina pero kasama yun sa challenges kapag pumapasada sa madaling araw. Okay lang sana sa akin kaso bukod sa di nya inabot bayad ko sa kabilang jeep na lilipatan ko, di pa nya binigay sukli ko. Di ko agad naisip kunin dahil nawala sa isip ko. Isa pa , mabilis humarurot yung jeep pagkababa ko . Lipat ako sa kabilang jeep. Nung iaabot ko na sana ang bayad ko nasa bandang Dona Carmen na kami nung napansin ko, yung driver pulang pula ang mga mata tapos kung ano ano pinagsasabi tapos tatawa na lang bigla.Saka ko lang tinignan mga kasama kong pasahero, apat na mga lalake yung dalawa lasing na lasing. Bigla akong kinabahan. Usap sila kasama driver. Kantyawan, tawanan. Mukhang magkakakilala silang lahat.
0 Comments
|
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|