Kahapon habang papasok ako sa trabaho patawid sa may Don Antonio overpass,pansin ko ang matandang babae na hirap umakyat sa hagdan at may dalang bag na mabigat.Naisip kong tulungan kaso nagalangan ako baka magulantang ko sya.Sakto sa pagkakataong yun,isang binata sa unahan nya ang nagmagandang loob at nagpasyang tulungan sya ngunit tama ang hinala ko,mukhang nagulantang ang matanda at sa halip na matuwa ay agad sumagot sa malakas na boses ng " hinde! Hinde! " paulit ulit nyang sinabi yun na may halong pagdududa sa intensyon ng binata na gustong tumulong sa kanya.
Napahiya ang binata, humingi ng paumanhin at dali daling umalis.Bakas sa mukha nya ang pagka dismaya at pagkahiya sa pangyayari. Naawa at nalungkot ako sa nasaksihan ko.Isang binata na may kabutihang loob ang nais magpaabot ng tulong ngunit sa halip ay pinagdudahan sya .Wish ko lang,sana hindi sya madala sa pangyayaring ito at di ito babago sa kanya sa negatibong paraan. Di ko rin masisisi si Lola kung bakit ganon na lamang ang reaksyon nya.Sa panahon ngayon,madami na talaga ang manloloko at kung ano anong pakulo makapanloko lang.Madami na ding mandurukot dito sa tulay ng Don Antonio kaya't naiintindihan ko si lola kung bakit ganon na lamang ang kanyang pagdududa. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa libro ng isa sa mga paborito kong author na si Paulo Coelho sa libro nyang "THE ALCHEMIST" sabi don... "The Soul of the world is a interconnection between all living things. Santiago believes that all things were written by the same hand, so everything has a connection to another" Marahil,may karanasan si lola ng di maganda or maaring dahil sa kagagawan ng iba,nawalan na sya tuluyan ng tiwala na kahit papaano ay may mga iilang tao pa rin na may mabuting kalooban. Madalas kong marinig sa ibang tao ang katagang buhay ko to.Wala kang pakialaam.Wag kang mangialam.Tama ka,buhay mo yan kaya ikaw ang masusunod.Ngunit para sa akin,habang buhay ka,meron ka ding social responsibility lalo na kung ito ay makakaapekto sa ibang tao ng malaki at negatibong paraan na maaring makasira ng buhay nila. Para sa akin,BE THE PERSON YOU ARE UNLESS YOU'RE TERRIBLE THEN DON'T...hahaha Well,kidding aside oo nga gawin mo ang lahat ng nais mo ngunit tandaan mo may responsibilidad ka din sa iba.At higit sa lahat may pananagutan ka sa Dios na iyong manlilikha. " Remember also your Creator in the days of your youth,before the evil days come and the years draw near... For God will bring every act into judgment.Everything which is hidden, whether it is good or evil" (Ecclesiastes 12:1a,14)
1 Comment
|
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|