Gago! Badtrip! Bobo! Ilan lamang yan sa mga madalas kong mabasang comments sa ilang social media. Yung iba nga,naglevel up at gumamit pa ng mga sikat na character upang iparating ang pagkairita na may pagka sosyal ang dating gaya na lamang ng " para kang si Jon Snow,you know nothing so shut the f**** up!" Madami nang pauso ngayon na kapag ikaw ay isang conservative na magulang or adult na hindi masyadong active so social media ay talagang mahirap intindihin at makipagsabayan sa panahon ngayon. Naisip ko lang kung kailan mas madaming outlet ngayon ang mga kabataan ay sya namang kinadami ng depression at kung ano ano pang social and mental disorder.Kung tutuusin,mas madaling makibalita at makipagpalitan ng kuro kuro world wide.Andyan ang facebook na pwede mong gawing diary at paglabasan ng sama ng loob pero dapat handa ka sa magiging reaksyon ng ibang tao.Para sa mga mahilig magpicture,andyan ang instagram pero mukhang karamihan dyan ay GGSS. Mahilig ka sa videos? Andyan ang youtube.Mahilig ka sa blogs? Andyan ang tumblr,blogspot,weebly at marami pang iba.Kung gusto mo may sarili kang mundo,andyan ang online games.Kung super conservative ka naman,dyan ang library.Gusto mo mukhang sosyslera,bili ka kape starbucks and bring your laptop for free wifi. Kung idol mo si Dora,sige travels lang para may pangstatus ka sa fb,twitter at instagram.Minsan mali pa yung caption because you're too busy taking photos and hunting for wifi spots imbes na mag enjoy at namnamin ang pagkakataon.Kung gusto mo global newsfeed at updated sa mga artista,andyan ang twitter.Kung hopeless romantic ka,andyan ang dating sites.You can almost find anything online but why do we end up so empty and alone. Status.Sige lang.Upload.Sige lang.
Ayos lang naman,kung san ka masaya eh dyan ka.Oo nga naman,free country tayo at may freedom of speech and expression.Do what you do and say whatever you want to say.Voice out your opinion.Maganda yan,ibig sabihin may paninindigan at pinaniniwalaan ka.Pero,tandaan mo ganon din ang ibang tao.Lahat tayo ay may kanya kanyang paniniwala ngunit hindi ibig sabihin ipipilit mo na lang ang paniniwala mo sa ibang tao.Yung iba maaring mag agree sayo,yung iba hinde.Dapat bukas ang isip mo. Be the person you are,unless you're terrible then don't! Isang kagandahan ng social media ngayon ay madaling ipakalat ang balita.Kaya ang mga business companies halos lahat may kanya kanyang account dahil mas madali silang makareach out sa mga consumer lalo na sa mga kabataan. Sa mga active sa social media lalo na sa FB,kung halos sa lahat ng oras pinopost mo ang ginagawa mo at saloobin mo kasama ang mga pangyayari sa loobng kwarto nyo tapos isa ka sa mga sumisigaw ng"don't judge me,you know nothing about me" eh aba,baka ikaw ang di nakakakilala sa sarili mo. Social media.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|