"Maluwag pa! Maluwag pa yan!"
Kahit ganito ang eksena,yun pa din ang maririnig mo usually sa barker ng Jeep... May kakaiba,kanina pa nakangiti si Ate sa harapan ko.Yung isa naman sa bandang gilid,kanina pa iniirapan si Lola na katabi ko.Ngayon lang ulit ako sumakay ng jeep dahil di pa rin ako nakaget over sa kabadtripan ko kahapon sa FX driver.I'm close to being late dahil sa kanya. Paano kasi sa tagal ng aking pagsakay ng FX,ngayon lang ako nakasaksi ng FX driver na pumasada sa harapan ng SM.Yun tuloy,I need to take another ride dahil malayo pag nilakad ko pa to think na malapit na ako malate. SO today,to avoid uncertainty I decided to take a jeep.Naghanap ako ng mauupuan.Tumabi ako sa isang lola na halos ayaw magpaupo.Ang weird kasi may hawak hawak syang pamaypay nakacross legs so everytime na biglang titigil yung jeep,literal na halos gumulong sya sa upuan pero ayaw pa din nya umupo ng maayos.Actually she kinda occupied a big space so everytime may gustong tumabi sa kanya she's hesistant to move.Paypay sya ng paypay kahit na malamig ang simoy ng hangin.Anlakas nga ng hangin at pwedeng tumangay ng kuto pero di ko maiintindihan bakit sya nagpapaypay.Nagtama ang mata naming tatlong mga pasahero at bigla kaming nagtawanan.Pangiti ngiti tapos nahalata ng binatang tumabi kay Lola,nakitawa din sya.Di namin mapigilan ang sarili namin sa kakatawa. Ang weird ni Lola. Naalala ko ang nabasa ko sa isang libro.May isang kilalang author na past time nya ang pagtambay sa may train station sa New York.Gustong gusto nya kasing obserbahan ang libo libong tao na labas pasok sa train.Para sa kanya ang kanilang facial expressions ay isang malaking bagay na nakakapagsabi kung ano ang nilalaman ng isip nila o kung anong damdamin meron sila.Ang kanilang tindig at paglalakad din ay pwedeng maging sukatan upang malaman kung ano ang katayuan nila sa buhay.Ang kanilang pananalita at facial expressions ay pwede ding batayan para malaman kung anong klaseng atitude meron ang isang tao. Ngayong gabi,naisipan ko to adopt that practice.Tinitigan ko ang bawat mukha ng bawat pasahero.Para sa mga estudyante na tawanan ng tawanan sa bandang likod,mukhang masaya lang talaga sila dahil wala silang masyadong pinapasan sa buhay.Kwentong school at kung ano ano masaya na sila.May mga nakapikit din.Makes me wonder what's on their mind.Tulog kaya sila kaya sila nakapikit or nagiisip lang ng solution sa mga problema nila.Baka naman ayaw nila mukha ng kaharap nila kaya sila pumipikit.Siguro yung iba nag iimagine.Meron ding text ng text tapos bigla na lang ngingiti.Mukhang sinagot ata sya ng niligawan nya or di kaya mukhang kinikilig sya sa kwentuhan nila.Meron ding tulala.Parang pagod na pagod or di kaya madaming pasanin sa buhay.Pero karamihan sa kanila,naka earphone.Ibig sabihin ang musika ay mabisang paraan pamaparelax at pampatangal stress talaga.Si kuya naman sa tabi ko masyadong self conscious.Kanina ko pa pansin panay ang punas nya sa grasa sa damit nyang puti.As if naman pwedeng matangal ng pamumunas.Kahit nga ibabad nya yun sa detergent,tingin ko di yun basta basta matatangal.Kailangan nya ang zonrox.Biglang may malamig na dumampi sa balat ko.NAgulat ako.Buhok ni ate na bagong ligo,kaloka naman to.Ansarap lang talian sabay sabunot! Joke lang :) Syempre di ako pwede maginarte. Ganon din sa buhay,parang iba't ibang pasahero sa pampublikong jeep.Madaming drama,madaming sasakay at makikisakay.Madaming pwedeng pagdaanan.Darating sa point na pagod,minsan masaya at pwede ding gaya ni lola nakakatawa o parang mga estudyante na laugh trip lang.Pero dapat alam mo kung saan ka papunta kung ayaw mong maligaw.Pwede ding bumayahe na di mo alam kung paano pumunta sa lugar na pupuntahan given na alam mo syempre yung pangalan ng lugar na pupuntahan mo.All you have to do is ask the driver to drop you by. Nakakatuwa lang.Parang buhay spiritual din.If only we allow God to take the lead and drive,I'm sure we'll be safe till we reach our destination. Wala lang,nakaktuwa din pala na tumingin sa paligid.Maganda pala na paminsan minsan,itabi ang telepono at headseat at makinig sa paligid.Madami ka palang matututunan dito.
1 Comment
verms
10/28/2013 01:47:01 am
this is the your lightest article so far. :)
Reply
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|