" May asawa ka na ba? wala? Eh boyfriend? Huh? It's impossible! Tanda mo na noh! You should get one!Maghanap ka na oy! Ano ka ba? You are not getting any younger! Baka naman kasi masyado kang mapili? Masyadong mataas ang standard?!!!! "
Hay naku naman talaga! Kung alam lang nila...kung alam lang nila na sa bawat tanong na yun,napapaisip ako,napapangiwi,napapahiya at napapatahimik.Madalas nga instant matalino kumbaga kailangan ko magshift mode at maging wais sa mga sagot.Kailangang makaisip agad ako ng palusot na uubra sa kanila.Yung tipong kailangang sumagot ako ng mejo safe ang dating,yung di nila halata na mejo inis at pikon na ako.At kailangang umisip ng bagong topic para mailigaw ko sila sa usaping "loveless" na lovelife ko. Bakit ba kasi sa dami ng pwede nilang tanungin sa akin,pinakapaborito nila ang tanong na yun at di talaga nawawala ang tanong na yun? Pauso nga ba o yan na talaga ang paboritong usapin? Ang totoo nyan, masaya naman ako dapat talaga kung ako lang.Enjoy ako na ako lang.Di nakakastress,walang break up issues,walang LQ at kung ano ano pa.I can live my own life the way I wanted.I have my own life to live,less complicated,free spirited.Walang masyadong responsibilidad sa karelasyon...mas madaming nag "I love you" pag wala ka pang seryosong commitment.Haha,jus kidding. Hindi ko kasi talaga maintindihan.Kailangan pa bang ulit ulitin ang tanong na yun kung halata ang sagot sa tanong.Una,hindo ako pinanganak na malakas ang sex appeal.Pangalawa,walang lalake ang magkaka interest so babae na mas lalake pa kumilos kaysa kanya.Pangatlo,wala akong masyadong guy friends who can see me beyond.Oo,at times I feel insecure and bitter.At times naiisip ko ang unfair dahil lahat yata ng kagandahan ipinagkait sa akin.Pero habang tumatanda ako,marami akong bagay na pinagpasalamat na hindi ako pinanganak gaya ng ninanais ko.Yun nga lang,nababalik ang insecurity dahil din sa mga insensitive na mga tao sa buhay ko. Masaya na ako not until nasalubong ko siya...sila..excited na sana ako kasi tagal ding panahong di kami nagkita.Tapos slow motion pa yung takbo mo palapit sa kanya upang yakapin.Yung ngiti ko wagas! Abot tenga ika nga.Pero nung nakalapit na ako,bungad nya " may asawa ka na ba? eh bf? " sabay pinagdiinan na " matanda ka na! " you should have reconsidered such plan.Ako naman,napaisip bigla sabay tango, "Ay, oo nga, matanda na pala ako...lapit na naman ang birthday ko..sabay sad face:( yung masayang reunion nauwi sa malalim na pagiisip. Syempre,banatan binanatan ko sya ng pabiro bilang defense mechanism. Minsan,di ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa na lang.Siguro sa loob ng isang buwan,hindi na nawala ang tanong na yan once na nakikipagmeet ako sa isang kaibigan,batchmate, o kahit isang taong malapit sa akin na matagal ko nang di nakita o nakausap o kahit sa isang tao na dating kasama ko o kakilala ko tas biglang bumulaga o nanorpresa sa akin.Masaya na sana ako dahil sa panahon natin ngayon,madali ang means of communication.Kahit saang lupalop ng mundo nakatira ang taong gusto mong kausapin,salamat sa Skype,it is now possible.Kung gusto mo namang malaman kung ano kinahantungan ng mga kaibaigan o batchmates mo,magpasalamat ka sa Facebook.As long as you remember their names,you can possibly find them.Kung gusto mo naman ng mas formal o letter type salamat sa email,anytime,any moment,mabilis yan.In fact pwede pang iattach ang napakaganda mong picture kasama ang pamilya mo,ang mga naging b.f (pwede mo ding ipagyabang kung nakailan ka na) ang picture ng aso mo,yung kulay ng kuko mo at kung ano ano pa.Kung di ka pa kuntento,pwede kang magsearch sa you tube, o magupload sa you tube.Nasa Technology age tayo so wala nang dahilan para di ka connected o updated.Kung gusto mo namang marinig ang golden voice nya,salamat sa Mobile phone at sa unli call and text.Isang pindot lang,connected na! Ganyan ang globe! (toinks,magkano bayad sa pag plug?he he) Isang araw,nakita ko si high school batch,nakaonline.Natuwa naman ako kita ko sa mga pics nya at balita ko nasa ibang planeta sya.As in Ice age Era daw ang panahon sa lugar na pinagtratrabahuan nya.Sabik akong makibalita so nakipagchat ako. Me: Hello batch! It's me Glory remember?High school classmate! Batch: Oy, hello! Kumusta ngay po hina? ( Ifugao term ng pangungumusta kasama yung paglambing,wala kasi translation sa tagalog:) Me: Better than ever! Alive and kicking! Ikaw? Batch: Eto,need to go abroad for my my family,my kids...and yada....yada..yada...so forth and so on... bigla akong humanga at naiingit sa mga narating nya ngayon...biglang tumigil sya at sabay tanong.. "teka, Ikaw? Ilan na ang anak mo? Me: (actually natigilan ako saglit tas tumawa na lang ako) Sinabi ko na lang, "well just enjoying being single ".... Batch : Huh?! Dapat maghanap ka na! (teka ibig sabihin nito,ako na talaga manligaw?sobrang desperate?hmm...) Matanda na tayo noh! We are not getting any younger! dugtong pa nya... (naku,lalo pa nyang pinagdiinan yung edad ko,alam ko naman yun eh,di ba nya alam na taon taon sa tuwing birthday ko,nauuna ang malalim na hininga) Me: (mejo formal pa din) Eh yun nga problema batch, kahit gusto ko,walang yumayaya sa akin magpakasal!!!! (Sabay tawananan)... Batch: O common! Baka naman sobrang mapili ka kasi? Me: Ako pa! Mamimili? Yun nga eh,di man lang ako nabigyan ng pagkakataong mamili dahil wala naman akong pagpipilian.... Batch: Weh? As in? Lumabas ka kasi,meet new people...Makipagkilala ka...have a nightlife!! (at aba,teka,di nga ako marunong lumaklak nightlife pa kaya!) Me: Di pa naman ako super desperate para makapagisip ng ganyan..yaan mo,babalitaan kita pag may naduling sa akin... (hay life nga naman) grrrrr.... Isang pangyayari ulit...yung high school bff ko,nagtext (after a very long time na I haven't heard from her) Me: Uy,may naligaw na message! Buti naman naisipan mo magtext! So yun it goes on and on and on hangang.... Bff: So may asawa ka na rin ba? Ilan na anak mo? So ayun na naman ang pamatay na tanong.Kung pwede nga lang irecord lahat yung lagi kong sinasagot sa mga ganyang klaseng tanong para automatic na lang na reply or send or play sa tuwing tinatanong ako. Isang araw sa mall....May tumawag sa akin. Napalingon ako pero nahirapan akong maghanap kung saan galing yung boses dahil nasa gitna ako ng madaming tao.Di ako pwedeng magkamali,may tumawag sa pangalan ko at di ako nagkakamaling taga Ifugao sya dahil perfect yung stress at diction ng pagkakatawag sa buong pangalan ko.Matagal na ding panahon na di ako natawag ng ganon.Hinanap ko sya at napag alamang isang dating high school batch ko. Me: Uy! what a surprise! (with hugz) Anong ginagawa mo dito?san ka nagwowork? (yun naman ang paboritong pambungad tanong ko) Batch: Sa makati,accountant ako sa isang firm dun. Me: Wow, So may asawa ka na din? (inunahan ko na) Batch; Hay naku,anong asawa ka dyan,istorbo lang yan noh! and by the way I'll introduce you to my BF (tinawag nya ang BF na akala ko tatay ng asawa nya)"Honey,my highschool batch..." Me: Wow! Nice meeting you sir! (actually yun lang nasabi ko,namangha ako dahil in fairness si Lolo napa oo nya si batch.Or I also thought baka naman it's the other way around..baka MMM nga naman si Lolo) So to end my conversation with her safely,(Sinabi ko in our very own dialect para kami lang ang nagkakaintindihan) "nice catch,when is the wedding ?(alam ko salbahe ang tanong ko pero sanay na daw sya) Batch: Ahm,kasal? siguro saka na lang..sabay bulong..eh ikaw? Meron na ba? Namula ako noon,as usual inexpect ko na tatanungin ako ng ganon pero di ko alam bakit natigilan ako.Sabi ko sa isip isip ko,"di bale na wala,atleast di ako magmumukhang counselor o care taker ng isang retirement home".... (Such a maldita I know and I'm sorry.She caught me of guard) Madaming instances na ganon.There are some people you least expect na masasalubong o makakabanga mo somewhere else,at sa million questions na pwede itanong,nauuna lagi ang "May BF ka na ba O may asawa?"...Ewan ko lang kung sa akin lang talaga nasasakto ang mga ganong katanungan." It's a small world after all " sabi ng isang lumang kanta na paboritong pinapakanta ng grade 3 teacher ko noon. Bakit kaya mas pinoproblema pa nila ang lovelife ko e kung tutuusin di ko naman pinoproblema? Mas madami pang mga bagay ang dapat mas pinoproblema bukod sa love life ko.Nakakatawa kaya sila.Confusing din kung minsan.Wala namang batas o walang verse sa Bible ang nagsasabing dapat magka BF ka sa edad na ganito o di kaya pag ganitong edad na over age ka na.Dapat may asawa ka at anak ka na.May sarili akong timeline at sa timeline na yun,pinakadulo ang pagaasawa.Ewan ko ba kasi bakit parang sinumpa ka sa mundong ito pag di ka nagkaroon ng relasyon.PAg bata ka at nag ka BF,sabihin malandi ka...Pag malaki ka na,may trabaho ka na at stable ka na at wala ka pang BF or asawa dahil buong oras at attensyon mo binuhos mo sa mahal mong pamilya at nakinig ka sa pangaral ni Lola.Ngayon,patay na si Lola,di mo na sya matanong kung pwede na ba?(Kasi pag nagpumilit kang kausapin sya for sure multo nya makakaharap mo!)Dahil sa tuwing pumapasok at umuuwi ka nag aabang yung kapitbahay mo kung may kasama kang ipapakilala kay nanay.May bubulong pa sa tabi ng daanan,matanda na sya bakit kaya di pa nagkaka BF? Siguro tomboy! E ang totoo nyan,22 years old ka pa lang naman.Maaga ka lang nagtrabaho para makatulong sa pamilya.Dahil sa stress sa call center,nagmukha kang matured kaya akala nila matanda ka na. Tuwing bakasyon,uso ang kasalan sa amin. (kahit kumokonti na ang mga nagpapakasal,atleast may moralidad pa naman kasi ang pinakamasayang buhay ata ng isang dalaga ay ang iharap sya sa altar) Naiingit nga ako madalas kasi yung mga nagtetext sa akin nangiingit din kasi.Pauuwi sila para umatend sa mga kasalan ng mga batch namin.May mga batchmates na personal na nagyaya pero syempre natatapos na ang usapan pag nagreply ako ng ganito.." Sorry,can't make it..may pasok ako eh..di uso ang holiday sa CC...." May times na ayoko naman talaga.Alam ko kasi na mapapasama ako sa hot seat specially sa sayawan celebration sa gabi.Pinaka ayaw kong part ever since ay ang sumayaw.(Maiiyak talaga ako pag pinilit ako ng teacher ko dati.)At once na andun ka,wala ka nang kawala..bawal ang pikon...at lalong lalo na di ka makakatakas sa mga makukulit mong kasama dahil madami sa kanila lasing na.Kasama kasi yun sa proseso ng celebrasyon. May mga iba na nagmamagandang loob,hahanapan daw nila ako.Sagot ko naman,di naman ako kambing o aso o baboy na hanapan ng kapartner para lang makapagbreed at mapreserve ang lahi.Kung gugustuhin ko naman talaga,madali lang makipagrelasyon.Lalong lalo na ang magkaanak para lang maipamukha o maipagyabang sa iba o lalo na pag home coming or kung may celebration.The question is,what would I gain from doing such? Alam naman nating sa panahon ngayon,pwede nang bilhin ang kagandahan (sabi ni Ricky Reyes).Yung iba talagang sa power ng pera,nabibili na nila ang kagandahan!(iba naman sa pagbebenta ng katawan:) Madaming mga kung anek anek ang naimbento para lang magmukha kang dyosa given na may pera ka syempre.You can deceive anybody or you can turn sensual kung gugustuhin mo.Sa panahon natin ngayon,wala na atang impossible sa ngalan ng pagpapaganda.Karamihan sa mga lalake,madaling mahulog o matukso sa unang tingin.Pero dapat girls,wag kang makuha sa tikim este tingin :) Pero we all know in the end,kung ano ang pinakita mo yun ang mamahalin nila sayo.Siguruduhin mo na ikaw talaga yun.Kasi lahat ng pagkukunyari,may hangganan.Ano man ang minahal nila sayo,(be it physical or emotional) once na nawala sayo magbabago ang relasyon nyo for sure.So be sure to let somebody see you for who you are and not what you are trying to be.Kaya no wonder mainit na usapin sa balita ngayon ang pagpapalegalized ng divorce sa Pinas.Isa na lang daw tayo sa 3 bansa na di pa legal ang divorce bukod sa mga bansang Malta at Vatican sa Rome.So kung bibigyan ko din lang sya ng magandang dahilan para mahalin at tanggapin nya ako,I would be my very own self.Para wala syang gaanong ieexpect sa akin.Ang tanong,sino kaya ang maduduling...at matatapilok sa harapan ko :) Atleast wala akong kailangang imaintain.Kasi alam ko na kung paano nya ako nakita at natanggap bilang ako.Atleast,this is something that can last a lifetime.Di bale nang inosente ako sa mga bagay bagay,sa pakikipagrelasyon,di bale nang wala ako alam sa ganun..basta yun na yun..alam mo na yun..har har har.Atleast kung dumating yung panahon na kailangan kong gawin yon,iisa lang yung taong nasa isip at puso ko and I won't have any chance of comparing him to anybody else who belongs to my past.An assurance that he was being remembered for everything.I mean my first time in a so called commitment.That would be flattering for someone whom you can offer or commit yourself,clean pure and innocent.(hope there are still guys out there who value it) Anyhow,teka lang bakit nga ba napunta dun ang topic.I was kinda surprised of myself discussing this things...so ewww but relevant paminsan minsan..har har May nakapagsabi sa akin,maghanap na daw ako.Grabe naman talagang advice yun.mga pangdesperado.Kaya ayun tuloy,madaming lalake ang dalawahan o tatluhan ang asawa o kinakasama.Yun e dahil sa mga babaeng desperado at naghanap na nga talaga,di na nila kinikilala ng mabuti ang lalake.Basta under the pressure and spell of "makahanap lang" gora na! Nawawala sa sarili ! Walang pakialam if taken o reserved yung pinapatulan. Ano ba palagay nila sa akin? Minero? Doing whatever it takes makahanap lang? Kahit nasa panahon tayo ng mababang moralidad at tinuturing ang mga babae na parang palamuti o pampatangal stress ng ilang mga lalake,naniniwala pa din ako na meron pa ding iilang mga babae na nasa katinuhan at kabilang ako dun.(ahem!)I still hold on to the promised one that God prepared for me in his time.In his perfect time,di minadali at lalong di nagmamadali.Sabi ng mga non- Christians palusot lang daw to ng mga taong walang pagasa.Sabi ko naman,pananampalataya to at respeto sa ating sarili bilang respeto na rin sa ating manlilikha. Sometimes, people choose to alter what is designed for them at talaga namanang inuunahan na nila dahil pakiramdam nila masyadong mabagal ang pag-usad ng mga bagay bagay.Pakiramdam nila,natutulog pa si Prince charming at kailangang hanapin at gisingin.Yung iba naman pakiramdam nila nalinlang ang promised one nila along the way at nailigaw at di na nakarating.Kaya tuloy kung iisipin nakakasuklam at nakakaloka ang mga nangyayari sa mundo.Di ko alam kung sadyang konti na ang mga lalake sa mundo kaya sila pinagaagawan or madaming lalake ang pinipilit ang sarili na maging babae kaya sila kumonti.Akala ko ang salitang "convert" ay ginagamit sa Religion or di kaya sa mga chemical.Ginagamit din pala ang salitang yan para sa mga nagnanais magpakababae. Sana naman sa taong nagsabi sa akin na maghanap na,dapat sinabi din nya kung saan ako maghanap at kung papaano.Madaling diktahan ang isang tao pero wala silang idea kung gaano kahirap sundin ang mga sinasabi nila.Madalas nga nakakaligaw sila. May nagsabi din sa akin baka naman daw kasi choosy ako.Ako?choosy? Alam ba nya na para akong sinampal ng kabilaan sa sinabi nya? Paano pa ako magiging choosy ni pagpipilian wala nga? O siguro,wala akong makita dahil nakatingin ako sa iba at hindi sa kaharap ko...joke! baka nung dumaan sya,napayuko lang ako.Or nung nasa harap ko na lumingon pa ako :) Aminin mo man o hinde,kahit yung pinakapangit na tao sa mundo,may standard din naman.Madalas pa nga,sila yung nangangarap makapagasawa ng mayaman at gwapo (kasi hangang puro pangarap na lang sila,waharhar) para maingit sa kanila ang mga kontrabida sa buhay nila.Para din magkaroon ng chance na ipaayos ang itsura nila..don't worry bibihira lang ang pangit na impakta pa! Joker din ang mga pagkakataon kung minsan.Bilang na nga yata ang tao sa mundo na nakakakita sa kabutihan ng puso bukod sa panlabas na anyo.Bibihira lang ang nagmamahal ng tapat at tinangap ka bilang ikaw at hindi bilang isang palamuti na pwedeng ipandisplay sa kapatid,kaibigan o kapamilya.O madami naman talaga sa atin ang naghahangad na maging good looking ang kapartner (kahit sa iba hinde,para sayo gwapo sya!) sa unang paghahanap ng liligawan o sasagutin.Nakakalungkot nga lang kasi madami sa mga sinasabing mga good looking e nakakapikon at nakakasuklam ang ugali nila.Pakiramdam kasi nila lagi silang naka VIP ! Anyway,balik tayo sa mga taong mahilig magbigay ng pressure!Sa bawat tanong nila na yun,alam kaya nila na minsan kakapagod na sumagot at kakadepress na din minsan? Kasi napapaisip ka tuloy ng bagay bagay.Naging conscious ka araw araw sa bagay na sinasabi nilang dapat meron ka.Minsan napapaisip ka din naman,aminin mo man o hindi.At nagtatanong din ng "bakit kaya"? Minsan napapaisip ka din naman bakit kaya parang napagiwanan na ako ng mga batch ko..mga kaibigan ko.Nagtataka din naman ako kung anong meron sa pagkakaroon ng boyfriend na madami o di kaya sa pagaasawa while you are young. Di ko din naman lubos na maunawaan.Siguro mas enjoyable nga naman kasi habang bata pa.PAg nagkababy,madaming naniniwala na mas lesser yung chance ng complication ng batang nanay.May paniniwala din na ang mga batang pinanganak at age 25-26 tends to be more beautiful.Kaya naman pala umuso ang larong bahay bahayan.Yung bata gumawa din ng isa pang bata para may kalaro din :) Kaya ba nagmamadali? Hinahabol ang magandang lahi? Kahit pa manganak ka at that age kung talagang ang lahi mo ay kamukha ni medusa,la ka na talaga magagawa.It's in the blood kumbaga.Ang dapat dun,humarap kayong magasawa sa salamin at dun ka magpasya kung may chance that you will concieve a good looking baby or not.Eh ano naman kung magkakababy ako at age 25 pero bastardo naman? Eh ano kung napakaganda nga ng baby ko pero ganun naman kapangit ang mundo at kinabukasan nya? Ano naman kung naisilang sya at early age pero ang pamilya na kinamulatan nya napakaweird.Ang pangalan ng tatay nya ay Satanas, pangalan ng Nanay nya ay Demonita at nakatira sya sa bahay na Impyerno! Yun ang araw araw nyang maririnig kasama ang mga nagliliparang mga kaldero at plato. Di bale na! Mas gugustuhin ko pang magka miracle baby basta nabuo sya sa pagmamahal naming magasawa.A product of our affection,our care and excitement !(oops,censored ahaha).Above all,naipanganak sya powered by prayers.Miracle nga kasi so mas malaki yung chance na endangered si baby o si Mommy:)Who knows what will happen next.I picture the husband kneeling infront of his wife as he offers his prayer above.The point is di bale nang matanda kang nagkaanak.Atleast the baby was not a product of lust but a product of love. Speaking of standard,wala ako nun.He he.I don't have any.I just only have one prayer though.I just prayed for a man who loves God more than anything else and fear and revere Him.In short,I'm waiting for the man who loves me less but Loves God more than his life.This is the man I was waiting for.Wondering when he'll show up and where.Alam ko,I asked for something that is close to impossible to others.Sa panahon ngayon,parang ang hirap humanap ng ganong klaseng tao.I always believe,when you asked God for something,he won't fail.Ito din yun paboritong tawagin ng ibang youth na "God's will".Ironic nga minsan dahil madalas madaming youth ang nalilinlang sa sarili nilang katwiran.When you say God's will,it means you allowed God to work his own way.Ibig sabihin wala kang idea kung sino ang taong yun na hinihingi mo.Wala kang ideya kung ano at sino sya and yet you trusted God to work in your life.Ang uso ngayon,mananalangin ang kabataan,hihingi ng God's will pero kilala na nya pangalan ng taong pinapanalangin nya at may kasamang kilig factor dahil habang nananalangin,nag iimagine na din so multi skilled tawag dun :). Ang result,when God says no,it is where rebellion starts.Magtatampo at magagalit dahil hindi pasok sa expectation.Yun ba ang tinatawag na God's will? Actually shame on me kasi isa ako sa mga dating ganun....errrggg Nasa point na ako ng buhay ko na namanhid ako sa mga paulit ulit na katanungan.Gayun pa man, mas at ease ako ngayon dahil fully established na ako.I know where to stand and I know what I'm waiting for,If I'm meant to be single blessed then I would be more than happy for it as long as it is His will.Not getting married is not a waste of life.It is an investment in my glorius future marriage in heaven with Jesus.(this is Biblical) This is my principle in life na di ko kayang ipaliwanag sa lahat dahil alam ko na lalong malalabuan sila.Hindi lahat ng nagtatanong ay willing makinig sa dahilan ko.Hindi rin lahat ng nakikinig sa paliwanag ko ay makakaintindi sa pinaniniwalaan ko.Kaya sa bawat tanong na yun,actually nakakapagod lang magpaliwanag. Minsan din,nagtataka ako kung bakit mas madaming alam ang ibang tao tungkol sa sarili ko kaysa sa inaakala kong ako.Noon pa man,kilala ako ng nakakarami na matatag daw,strong at persistent.Siguro kaya nila nasabi yun eh dahil na din sa pinagdaanan kong hirap at pang aabuso.Madami din ang pinipilit na paaminin ako at sabihin ko na ang totoo...kung T-I-B-O ba daw talaga ako.Di ko alam kung matatawa ako o mananapak na lang ako bigla.Pero syempre,wala sa dalawa ang sagot dahil hinahayaan ko na lang sila.Gaya nga ng paniniwala ko,kahit bigyan ko sila ng sang libong dahilan kung hindi yun ang gusto nilang paniwalaan,la na ako magagawa at masasayang lang ang laway ko.It's up to their own judgement.And most specially I don't need to explain myself much to a friend coz she/he don't need it.Madali talaga na mahusgahan ka ng ibang tao.Madali din lang silang maloko sa kung ano ang nakikita nila.Sino ba ang nagpauso ng first impression last? Di naman totoo base sa experience ko :) People change nga di ba from time to time so they won't be the same as you expected them to be.People can define me base on their personal encounter with me.They can remember me from who I am on the outside but nobody can really tell what it is like in the inside and that's what hurts most.Di ba nila alam na ang taong to na inaakala nilang di marunong magmahal,di pa nasasakatan at walang alam siguro sa pag-ibig ay nasaktan ng madaming beses at mas masakit dahil walang nakakaalam? They never had any idea how fragile I am emotionally.My greatest weakness -I EASILY FALL INLOVE!!!! Once na pinakitaan ako ng affection at care,my heart starts beating fast.Once na may nagbigay sa akin ng mga bagay na hindi naipakita at nabigay sa akin ng family ko,yung hindi ko kinasanayan,I felt so vulnerable sa mga ganong cases.May takot din ako na nakikipagkaibigan o maging close to guys.Most of the time I always remind myself to keep distance to protect my vulnerable heart.Malaking tulong na din ang MACHO image ko kasi madami akong naloloko dahil dun.Atleast walang manghihinala what I was up to the whole time when I'm caught na tulala.My friendship with guys were always easier than with girls.I was never questioned when I'm with guys than I was with girls.Again,maybe it must be my macho image ?! Gwapo ko kasi! I was accused not only once but many times na.Nakakapagod din pero sadyang madaming tao ang inquisitive so pagbigyan natin sila.Sensya lahat na ata ng dumidikit sa akin pinagkakamalang girlfriend ko so di na bago sa akin yun. Baby,I was born this way!!!! (just singing ..ahahah) Ganon talaga ang nature ng karamihan,gumagawa ng intriga para may pagkabisihan.Para naman masabing may ginagawa silang MAKABULUHAN sa buhay. Going back,I was reminded of the first guy na naging dyowa ko dito sa Manila.My relationship with him was an eye opener.It is an emphasis of my weakness and vulnerability.He acted like a father,a friend,a brother and a protector.He was far too impressive and so I thought it was real love that I felt for him.That feeling led me astray and had me out of logic.I didn't mind even if I knew too little about him.I felt somehow secured with him.He treated me like a princes,I was always his priority and it felt soooo good.It took me so long to realize that I was trapped in a relationship base on lust.I realized it wasn't actually love at all.This guy knew my weakness and so In the end,we both were using each other.We were fooling each other thinking we love each other but it wasn't actually.I somehow perceived that he was working on something and he wants something more physical from me.I came to my senses and ended my relationship with him before I do something that I regret my whole life.Thank God for sending an angel who guards me night and day.I was actually darn right!He did ask me to give myself to him to prove my love for him.In the same way,he was damn wrong for thinking that he can measure my love by offering myself to him! A very big mistake on my part! Somehow it was a very good way of knowing myself.After everything, I finally have a better glimpse of who really I am on the inside. I am indeed weak to protect myself from such emotional challenge.So I needed to stay away.That's the time I prayed and committed myself to God (same time asked for forgiveness) that I am willing to wait no matter how long as long as he is the right one for me.Starting that day,I have decided to live up to this; "I am not available,I am taken!God had reserved and prepared somebody for me"! It was a blessing for me talaga na hindi ako nabiktima. (Sharing from the book "when God writes my love story") Sometimes in a relationship,we can be so caught up in our feelings for that person that we squeezed God into the background.Our world is so much focused into one person and so we forgot that God should be the center of our relationship.When we learn who God is and we base our decisions out of passionate love for him,we find Joy and delight in obeying him.When we are in a relationship,we tend to create rules for ourselves but no matter how many rules we create for ourselves,rules don't create godly relationships.We create rules to ensure the security of our commitment or relationships.We sometimes thought we are in control of the situation when in fact we are searching for security.Immature love always compares and struggles with the security of the relationship.They say when you really feel true love,you don't expect something in return.You will never felt you loose something when you're inlove.Let's say for example "I love you"! and my love for you is genuine.Fact is,you can't loose my love because it's not a love that I need to feel,it is a love that I have chosen to give! So when you look around,why is it that people who once claimed thay were inlove were fighting? Sinisingil ang pag ibig na pinili nilang ibigay?Di kaya't ang ibig sabihin noon is they are just physically attracted to someone and so everytime they walk into a room where they were before,fire lits up,sparks and fly inside them? That was a commitment based on a feeling but never a choice.Lesson? Keep a commitment that was not based on a feeling but on a choice.Feelings change from time to time and so its dangerous to base a commitment on feelings.True again,its very common for a guy to get involved physically without getting involved emotionally at all...No matter how many times you can have sex,no matter how many times you hear the word "I love you" It will forever be empty if we don't blend it with the God who invented true love and is himself the author of romance.When you take God out of the center of your world,everything sweet,tender,pure and lovely is sure quick to follow. I guess my love story is just one of the typical story that most have struggled with.I can definitely relate to some out there.The difference is I didn't give in.Madami kasi ang nag aakala na ang pagkakaroon ng BF ay security at protection (in fairness to some,it is) At di natin maitatangi na madaming kabataan ngayon ang naloko,nablackmail at nawala sa katinuhan dahil umibig sila.Madami din naman ang naghahahabol at para masabing attractive sila,kahit sino pinatulan para naman may maikwento kung sakaling tatanungin.Madami pa din ang wais na mga lalake sa mundo.Kahit walang maiharap na mukha,dadaanin sa kahinaan mo hangngang masanay ka na lang at mahihirapan kang pakawalan sya.Ang susunod na problema mo ngayon pag naging kayo na is kung paano sagutin ang tanong na "bakit sya pa?!" (bwahahaha).Madami ang magtataka kung nasa katinuan ka pa ba nung sinagot mo sya:) Well,in the end,purity goes beyond skin deep.There isn't an honest man alive who wouldn't deny it. I really don't know what's with me kasi even in my childhood days,magnet na talaga ako ng mga manyak o mga pervert na di ko maintindihan.I was always boyish and never attractive or pansinin pero di ako nawawalan ng secret admirer na kampon ni Satanas.Ayos lang naman kung magugustuhan ko,kaso makita ko pa lang takot na ako!I never wore anything sensual or never even dream of seducing someone but oh well,I was always seen as somebody who is....yuck! This topic is sensitive and I'm never open to talk about it because it was disgusting as it is-as in painful on my part.I was able to talk about it because I felt nakaget over na ako. The last time I checked, the last person whom I shared this story died.I bet it always have to come with a curse when shared.It was so long bago ko ulit nashare ito at nataon ngayon....just kidding....that person is of course is so much alive! Ouch! Sorry bakit ba kasi napunta yung kwento dun.Naging emotional tuloy!As much as I want to make it less emotional,that memory keeps on haunting me.The least thing I can do is to openly talk about it and let it go so I can move forward.Nakakahiyang pag usapan I admit but it kinda makes me relax when shared even in my own diary (sarili ko din naman ang kausap ko). Sharing these things makes me feel better.Something triggered this topic these past few days kaya natouch yung topic na to.Actually pwede na nga yata akong magpublish ng sarili kong autobiography sa sobrang dami na ng diaries ko.Pero gaya ng nasabi ko dati I don't want to set the mood of the world into "emo".At for sure walang bibili nun kasi sobrang dramatic ang kwento.Syempre ang hahanapin ng tao yung masaya at nakakaaliw na kwento.Siguro sa maalaala mo kaya pwede pa. Matagal ko nang pinipilit na kalimutan ang nakaraan pero may times na bumabalik pa din.Ang hirap makagetover kung sa bawat pagkakataon madaming bagay ang nakakapagremind sa akin.Dati nga,dumating pa sa point na gusto ko makapatay ng tao...pero gusto ko lang naman,di ko pa nagagagawa at wala akong planong gawin! I guess that's what being a Christian is all about.Forgiveness is not something that I need to learn to do but it is something that I can just give..for free! absolutely free! Without expecting in return.It just reminds me of how much blessing God had given me! Atleast I am alive.All this time,I was in God's grace and protection.Actually no matter how much my past hurts me...in a way,it challenged me to be strong and independent.If it was not for the grace of God,siguro isa na ako sa mga kilalang exporter ng marijuana sa Ifugao para lang kumita at mabuhay.Siguro isa na ako sa mga madaming may tatoo sa katawan at worst kasama na sa fraternity na matagal nang nagyaya sa akin.If I didn't personally commit my life to Jesus siguro nabalikan ko na lahat yung mga taong bumaboy sa buhay ko at ng pamilya ko at nakapatay na ako. I was found,was given another life to live.I was given hope and a reason to appreciate life.I use to curse life but when I became a christian the feeling was so great! I can't stop being happy at pakiramdam ko I have so much to be thankful in life.It was October 1996,right after I opened my heart to Jesus,for the first time I shouted "life is beautiful" !!!! So, where were we again?he he ...Pasensya na,as usual magulo.Andaming topics ang natouch.We started talking about my lovelife and went talking about my not so cool suicidal life and ended up talking about God's goodness and grace.So siguro naguluhan ka na kasi magulo naman talaga ang mga pangyayari sa buhay ko at ganito talaga naman..mahirap iispeling dahil I am a product of my past at malaking factor pa din (sad to say) is affecting me.Atleast this time alam ko kung ano ang tinatahak ko.Andyan pa din ang madaming problema,mas challenging pa nga minsan pero suicide was never an option na.Thankful din naman ako dahil sa karanasan kong ito resulted into beautiful things.If I gave up easily, siguro kasama na ako sa mga multo na pakalat kalat sa mundo at isa sa mga nagmumulto sa yo ngayon! Pero Praise God,here I am so much alive.Pag lumilingon na nga ako,ibang iba kaysa dati.Sometimes I wonder kung paano ako nakatawid ng ganon kalupit na daanan. Nakakatuwa nga minsan kapag nalaman mo lahat ng klase ng tao na nakapaligid sayo.May ilan dyan na andyan lang,nakatinging sayo at nageexpect lang ng something from you.May iba na hinihintay kang madapa o magkamali para mapagtawanan ka.May iba na atribida at tinititigan kung saan ka magkakamali para ipamukha nila sayo na weak ka.Syempre may iba dyan na sobrang nagmamahal sayo.(di mo nga lang pinapansin dahil nakayuko ka o nakatingin ka sa malayo madalas)May iba na andyan lang handang tanggapin kung ano ang trip mo.May iba din dyan na gustong tumabi kaso pag tatabi biglang nadadapa at napapahiya tuloy....at Yung iba pipiliting galitin ka para mailabas mo lahat ang sama ng loob mo.This way,mapapatunayan nila na tama ang mga haka haka nila tungkol sayo. tip: kung galit ka,siguruduhin mo na ang kaharap mo ay kaibigan mo.kapag ang kaharap mo ay kaaway mo,ngitian mo na lang sya (sabay sampal!hihihi) ng ubod ng tamis.This way wala syang mapipiga sayo.Sabi kasi nila,pag galit ka daw,lahat ng lumalabas sa bibig mo ay totoo at naglalaman ng tunay na damdamin mo at wala ka nang pakialam kung makakasakit o hindi at malaki ang chance na pati yung pinakatago tago mong sikreto mabubunyag mo dahil sa galit mo.So mag ingat! Whew! Naligaw na ako sa topic . I started with LOVE as the topic and so I'm gonna end with these thoughts... "we can determine that a relationship is something God himself has put together if the relationship is drawing us closer to God and producing godly fruit in our lives.We have to realize also that the security of our future rests not in our blankets but in Jesus sitting next to us.When we choose to give instead of keep,we discover a little taste of heaven on earth.When we choose to let go of what little we have and surrender it to God,it is when we recieve the bounty of his kingdom.Someday in God's time,whatever you ask for will come true.It may not be what you prayed and wanted but it will be what God knows is best for you..." I don't mean to share this things like I know a lot.You have your own principles in life and your own belief of course.Atleast somewhere down in your heart,you knew what you wanted.I'm just sharing this things to you as a person who is in deep awe and adoration to God for what He has done in my life.Iba talaga ang blessing na nakukuha in obeying Him.How much more if we commit our hearts to him and ask for a godly man to be our partners in life. I have seen successful marriages of Christians that I happen to meet.I saw how much joy and blessing they received from God at talagang nakakataba ng puso na makita ang proof ng mga taong nakarecieve ng blessing ni God as a result of obedience. Siguro sa ibang pagkakataon pag natanong ulit ako at pag mabibigyan ako ng mahaba habang panahon upang magpaliwanag,I will just email this to them.Ewan ko lang kung di sila tumambling.I find it ironic though because no matter how hard I tried to avoid this topic,it is always the all time favorite question that people love asking me.Maybe echosera lang sila or maybe love is really the favorite topic in the human world. But I'm glad that they asked me anyway.It helped me know myself better and dig deeper.Well,this is my life story and to anyone who ever took time to read this,I hope you write your own and share it too! Okey lang ako.Okey lang talaga ako :)
1 Comment
verms
10/28/2013 01:59:29 am
so hahaha! i cant help but laugh while reading this..at nagpa-pressure ka talaga ha?! :)
Reply
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|