Isa pa,isa pa! Kasya pa yan! yan ang madalas na sigaw ng barker sa bus or sa jeep.Pero sa FX,mejo comfy naman at mas mabilis compared so bus or jeep kaya madalas sa FX ako nakasakay. Ngayon,naisip ko lang isulat lahat yung mga bagay bagay na madalas pansin ko sa aking araw araw na pagpasok.Minsan,talaga namang nakakahighblood pero madalas natatawa na lang ako. Eto ang ilang tips at guidelines na dapat mong tatandaan... 1) PAY AT YOUR OWN CONVENIENT TIME
Unlike sa bus na pagkaupo mo pa lang minsan,andyan na naniningil na para bang tatakas ka!Sa FX,pwede kang magsitting pretty muna.Namnamin ang pagkakaupo,maging comfy sabay abot ng bayad.Kamalas malasan nga lang pag lahat kasama mo mga heavy gut dahil,well good luck sa paghinga at sa pag dukot ng pamabayad lalong lalo na kapag ipit ka. Sa FX ok lang naman to pay at your convenient time.Yun nga lang,kung gaya mo ako na makakalimutin at may kasamang kadaldalan pag may kasama,naku payo ko sayo bayad ka na agad pagkaupo pa lang.Pero ok lang din pag di ka bayad,hahabulin ka lang naman ni manong driver pagbababa mo sa FX sabay sigaw "Hoy,bayad mo" depende pa yan sa mood at klase ng driver.Tapos tatandaan lang naman yung mukha mo ng mga pasahero.Kung kaya mong lunukin ang kahihiyan na yan dahil lang sa bente pesos na di mo binayad eh di go ahead.Kanya kanyang trip to. 2) PILLIN MONG MABUTI SAAN BANDA UUPO Kapag nasa unahan ka malapit sa driver,expect TAGAABOT KA NG BAYAD lalo na sa Jeep.Pag FX yan lalong lalo na pag van ang nasakyan mo at nakaupo ka malapit sa pintuan,mistulang taga bukas ka ng pinto sa tuwing may bababa.Sa kabilang banda,magandang exercise yan dahil kailangan mong bumaba every now and then para mag give way sa bababa sa may likuran.Lulubusin mo na din pagkabukas ng pinto,ngingiti ka sabay pasalamat ka.Malay mo mabigyan ka ng tip ng pasahero at discount mula sa driver.Malay mo.No harm in trying ika nga. Pag hilig mong tumabi sa FX driver,expect mo na laging ipit at madalas natatamaan ka sa tuwing kakambyo si kuya.Minsan,legs mo na yung kinakapa.Kaya ingat.Pag naka pekpek shorts ka eh maganda nang lumayo kay kuya baka mabangga pa kayo. 3) FREEBIES Free pabango dahil aircon,madalas halo halong amoy.Minsan,good luck sa sikmura mo.Pag may nagusuka,umutot or tumaeng bata,good luck sayo.Samahan pa ng putok ni kuya at lagkit ng pawis nya na dikit sayo.Minsan,hininga pa lang,mas gugustuhin mo nang himatayin kaysa nakaupo dun ng 30 minutes having to endure that smell.Ayos ang pabango mo pagpasok mo sa office kung nagkataon. FREE GEL AT PANDIKIT.Pawis,laway at minsan sipon.Sa lagkit ng upuan lalo na pag leather ang upuan.Minsan nga,may free lotion kong mararamdaman sa door handle. FREE SOUNDS Matatawa ka minsan dahil may malakas humilik kahit anong oras.Sadyang may taong antukin lang talaga.May highblood sa telepono.May nagtatawanan.Tapos anlakas ng radyo ni manong driver ng kung ano anong code.Madalas,napipilitan akong makinig sa pagmumura ng mga Tulfo brothers sa radyo sa fx dahil karamihan sa drivers naka tune in. FREE SAKIT Magkakabilang ubo at sipon tas tinutok pa nya yung aircon sa mukha nya.Akala nya siguro camera.Good luck. FREE LESSONS Makikinig ka lang sa chickahan sa fx madami ka ng matututunan.Sa pagkatao ng nagsasalita o kung sino man yung pinagkukwentuhan. Natutunan ko na; Ang tunay na magkakaibigan,they don't gossip about each other.They gossip together about someone else. Don't blame the driver or the traffic when you're late.Dahil commuter ka,dapat maglaan ka ng mas mahabang oras.Don't blame others for your failures. Always have smaller bill.FX yung sinakayan mo hindi money changer or banko.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|