Dati rati,para tayong nakadikit sa isa't isa,di naghihiwalay laging magkasama.Dati rati,tanong nila,tayo na daw ba bakit parang walang ibang tao sa buhay natin.Dati rati,sa aking kwarto nagkakantahan,nanonuod buong magdamag.Nakahiga,walang ginagawa.Magbaliw baliwan,kwentuhan,asaran tapos tatawa na para bang wala nang bukas. Naalala mo ba pa parang halos lahat na ata ng binigay natin sa isa't isa may nakasulat na "friends forever".Pangako natin sa isa't isa yun na may kasamang walang magbabago.Sabi pa nga natin,walang sisira sa ating pagkakaibigan at seryoso tayo sa promises na "I will always be here for you" and "I will be your friend forever".Cute natin di ba? Pag naaalala ko ngayon,di ko maipaliwanag yung ngiti ko to the point na natatawa talaga ako.Napapangiti ako sa ala ala ng ating kabataan.Andun talaga yung conviction habang sinasabi natin sa isa't isa ang mga katagang iyon.Napakasarap alalahanin lang. Ngunit habang lumipas ang panahon,kinailangan nating harapin ang tunay na mundo. Hinayaan tayo ng pagkakataon na lakbayin ang lawak at lalim ng buhay.Hinayaan tayong unawain at intindihan ang mga pangyayari sa paligid natin.Unti unti tayong nakisayaw,nakilaro at naki awit sa takbo ng buhay.Kasama na din dun ang pagbabago ng prioridad at pag iba ng kahulugan ng pagkakaibigan.Sinubok tayo ng panahon.Nagkaroon ng kanya kanyang buhay.Hinanap ang kanya kanyang mundo.Nag iba na.Naging busy sa buhay.Tuluyang nawalay sa isa't isa. Pagkalipas ng ilang taon,nagkita ulit.Binalikan ang mga ala ala.Ang mga katagang "kahit anong mangyari,walang magbabago" ay parehong nagpangiti sa atin.Sinubukan balikan ang nakaraan,siguro nga sa sobrang dami ng pangyayari di na natin alam kung paano umpisahan ng kwento ng kanya kanyang buhay. Unti unting binalik ang pagkakaibigan.Gaya ng dati,tinatawanan ang mga bagay na hindi naman talaga nakakatawa sa iba.Gaya ng dati,baliw pa din,kung tumawa wagas at parang walang bukas.Pero sa ating pagtatagpo muli,madami akong narealize tungkol sa buhay lalong lalo na sa ating pagkakaibigan. Nalaman ko na madami palang bagay na madaling sabihin at panghawakan pero pwede itong baguhin ng panahon.Nalaman ko na hindi nawawala ang pagkakaibigan pero depende ito sa iyo kung gusto mo itong panghawakan o pakawalan.Nalaman ko na para manatili ang isang relasyon,ito ay nakadepende sayo.Nalaman ko na ang definition ng friendship ay nagbabago din pala depende sa panahon at sitwasyon.Lumalalim ito,nagkakaroon ng bagong kahulugan sa ating pagtanda.Nalaman ko na kaya pala ako natatawa at napapangiti habang binabalikan ang nakaraan ay dahil nakokornihan ako dati sa mga pinangagawa ko at sa mga pinagsusulat ko sa notebook mo.Dati akala natin,yun ang perfect na mundo.Akala natin,kaya nating mabuhay basta't magkasama.Dati akala natin kailangan natin ang isa't isa para magpatuloy sa buhay.Ngayon,nalaman ko na isa lang naman yun sa alam natin dala ng ating kamusmusan. Nalaman ko din na hindi pala pwedeng ikahon sa isang panahon ang isang relasyon.Minsan,kailangang maghiwalay at makihalubilo sa iba upang lalong lumago at lumawak ang ating pangunawa sa buhay. Ngayon iba na.At batid ko na patuloy itong magbabago sa bawat panahon.Maaring di na gaya ng dati,pero may mga bagay pa din tayong ginagawa na gaya pa din ng dati.Dahil pareho na tayong nagtratrabaho at may kanya kanyang responsibilidad,di na pwede syempre magkasama buong araw at gabi.Ngayon,siguro sapat na ang ilang oras sa isang coffee shop o sa isang kainan para lang makapagkwentuhan. Ngayon,di na pwedeng gaya ng dati.Madalas di na tayo magkasama pero ang pagkakaibigan andyan pa din.Habang tumatanda tayo,nagiiba na din.Nandyan na yung nagkikita lang tayo kapag may problema ang isa sa atin at gusto natin ang kausap.Nandyan na yung kailangan natin ng tulong.Nandyan na yung hanggang evening dinner or lunch na lang ang kaya nating pagsamahan.Di na gaya ng dati na pwede tayong magover night para mag movie marathon ngunit andyan pa din ang pagkakaibigan.Maaring iba na ngayon pero mas malalim na pagkakaiban.Mas malawak na pangunawa at considerasyon. Nalaman ko na kahit anong relasyon pa meron tayo,nagbabago talaga dahil itoy patuloy na hinuhubog ng panahon at ng ating karanasan.Nasa sa iyo na lang yan at tanging ikaw ang makakapagdesisyon kung sino ang mga tao ang ayaw mong pakawalan.Nasa sayo pa din yan.Mabago man tayo at mahiwalay ng panahon,andito ka pa rin sa aking alaala.
Ang pagkakaibigan ay di pala tungkol sa "infinity o forever" kundi ito ay pagmamahal na walang katumbas.Kung meron ka nun,ano man ang mangyari,kaya mong intindihan at taggapin ang mga bagay bagay lalo na ang pagbabago. Di man gaya ng dati,madami mang magbago,ang ala ala mo ay andito lang sa puso ko.Aalagahan ko at itatago ko,ito ang magsisilbing tulay ko sa yo kung kailangan man kitang hanapin sa hinaharap.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|