In English, “Where are we going to eat ourselves ba?” Charing! Yung maaga pa lang pinagplanuhan niyo na kung saan kayo kakain. Naikot niyo na buong mall hanggang sa pumutok na yung varicous veins mo sa paa hindi niyo pa rin mapagdesisyunan kung saan. Tapos yung mga kalimitang sagot ganito, a. “Eh saan ba masarap?” Ikaw na nga nagtanong tapos ibabalik pa sa’yo yung tanong. Maghiwalay sana itlog niyo. b. “Kayo bahala.” Tapos pag dinala mo naman dun sa gusto mong kainan biglang sasabihin, "Dun na na naman? wala ng iba?” c. “Libre mo?” Nagtanong lang manlilibre na agad? Magtrabaho. Magsumikap. Mag-ipon. Hindi yung puro palibre. d. “Di ko alam.” Sarap sagutin ng, “Ganyan ka naman talaga. Wala kang alam. Kahit yung nararamdaman ko sa’yo hindi mo alam!” sabay walkout kase maarte ka. e.“Kahit saan.” Sarap tampalin ng world map sabay sabing, “There are 7 continents and 196 countries in this world. May 7,100 islands ang Pilipinas kapag high tide at 7,107 kapag lowtide. And you’re teling me na kahit saan?!” Kaya para maiba naman eto dapat yung isinasagot... 1. “Dun sa magandang iinstagram.” Kase gusto mong picturan ng topview yung order niyo para kunware food blogger ka. 2. “Dun sa hindi pa natin nakakainan.” Para kunware foody ka. Gusto mong ijustify yung nakasulat sa slambook mo that your hobby is “Foodtrip with friends.” 3. “Dun sa pwedeng bagayan ng outfit ko.” Dahil mahilig kang magmaganda at gusto mong magphotoshoot sa bawat sulok ng restaurant habang hawak yung order mo. 4. “Hindi naman ikaw yung kakain eh. Ikaw yung kakainin ko. Kase nga maharot ka. Tapos yung kalandian mo tagos hanggang bone marrow. 5.“Sa plato, alangang sa bao?” Kung gusto mo lang namang matampal ng wala sa oras at umuwing duguan. 6. “Dun sa pwedeng tumambay ng matagal.” Yung tipong puro kagat na yung dulo ng straw ng starbucks mo kase 11 hours mo ng iniinom yung kape habang sinasamantala mo yung pagddownload ng movies sa free wifi. Galeng. 7.“Dun sa hindi mo afford!” Tapos tititigan mo siya from head to toe sabay hairflip kase yung puke mo rectangle. 8.“Siyempre dun sa hindi ka kasama.” Sabay higit dun sa iba mong set of friends tapos iiwanan mo siya kase badassbitch ka. Pero ang totoo, madali lang naman talagang sagutin ang tanong na “Saan tayo kakain?” Nahihiya lang tayong magsuggest dahil mas iniisip natin kung ano yung mas gusto ng mga kasama natin. Ayaw lang nating matawag na insensitive. Sa madaling salita, meron tayong mabuti at ginintuang puso. Dakila tayo shet. source: IsraelMekaniko on tumblr
0 Comments
Leave a Reply. |
ANYTHING TRENDING ON SOCIAL MEDIA.FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY.NO INFRINGEMENT INTENDED.
Bawal ang sad.Dapat happy.Welcome to my blog! Naglalaman ng mga walang kakwenta kwentang bagay pero mageenjoy ka promise!
Archives
July 2017
CREDITS (tumblr & twitter accounts
Disclaimer:
Everything I put on this specific blog page were mostly grabbed from social media I am following as stated below.I usually do not remove or edit to give proper credit to the respective owners as much as possible. Categories
All
|