In English, “Where are we going to eat ourselves ba?” Charing! Yung maaga pa lang pinagplanuhan niyo na kung saan kayo kakain. Naikot niyo na buong mall hanggang sa pumutok na yung varicous veins mo sa paa hindi niyo pa rin mapagdesisyunan kung saan. Tapos yung mga kalimitang sagot ganito, a. “Eh saan ba masarap?” Ikaw na nga nagtanong tapos ibabalik pa sa’yo yung tanong. Maghiwalay sana itlog niyo. b. “Kayo bahala.” Tapos pag dinala mo naman dun sa gusto mong kainan biglang sasabihin, "Dun na na naman? wala ng iba?” c. “Libre mo?” Nagtanong lang manlilibre na agad? Magtrabaho. Magsumikap. Mag-ipon. Hindi yung puro palibre. d. “Di ko alam.” Sarap sagutin ng, “Ganyan ka naman talaga. Wala kang alam. Kahit yung nararamdaman ko sa’yo hindi mo alam!” sabay walkout kase maarte ka. e.“Kahit saan.” Sarap tampalin ng world map sabay sabing, “There are 7 continents and 196 countries in this world. May 7,100 islands ang Pilipinas kapag high tide at 7,107 kapag lowtide. And you’re teling me na kahit saan?!”
0 Comments
|
ANYTHING TRENDING ON SOCIAL MEDIA.FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY.NO INFRINGEMENT INTENDED.
Bawal ang sad.Dapat happy.Welcome to my blog! Naglalaman ng mga walang kakwenta kwentang bagay pero mageenjoy ka promise!
Archives
July 2017
CREDITS (tumblr & twitter accounts
Disclaimer:
Everything I put on this specific blog page were mostly grabbed from social media I am following as stated below.I usually do not remove or edit to give proper credit to the respective owners as much as possible. Categories
All
|