“sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa "Aminin man o hindi ng mangingom ay hindi talaga masarap ang alak o beer.Kung masarap ito e di sana ipinansabaw na sa sinaing,sa sinigang o nilaga.Pero ano nga kaya kung ang alak o beer ay kasinsarap ng paborito mong softdrinks o Fruit juice? Baka magkandaubos na ang tao sa mundo.
Hindi ko maisip baka balang araw may makaimbento na din ng capsule na alak... Dyan namatay si Tarzan sa maling akala.Akala nya kasi baging pa yung hila hila nya,yun pala sawa na. A man hears what he wants to hear,a man sees what he wants to see and disregards the rest. MGA BAKIT
"dapat pag aralan ng mga scienists kung anong meron ang pusa dahil kahit araw araw itong kumain ng daga hindi tinatablan ng leptos pirosis" kailan pa nagresign ang tao sa pagiging bestfriend nya sa kapwa nya tao at aso na lang ang pumalit? ang pagbubudget ng pera kahit walang kapera pera ay isang masalimuot na kursong hindi naituro sa eskwelahan.. sabi ng Biology Prof ko,dila daw ang pinakamalakas na bahagi ng katawan ng tao.Kasi sa liit nito kaya nitong bumuhat ,magdala at magtulak ng ilang bagay na ilang ulit mas mabigat sa kanya.yung pwet nakakaputol ng tae,e yung ngipin kaya? sina Batman at Robin nga laging makasama pero hindi naman naging sila. Sana may gamot sa botika na pwedeng bilhin para makalimot sa isang pangyayaring pwedeng kalimutan.. bakit kaya ang hilig ng tao sa sports?big deal kung sino ang magchampion o mag hari.Wala pa naman akong taong nakitang sumigaw na : Mabuhay ang second placer! Eveybody loves a winner.Nobody loves a looser. Siguro kaya naimbento ang salita at konseptong closure ay para sa mga taong tinatamad malaman ang wakas “Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.” “Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.” “E, kung lahat kami, special... Sino pa ang hindi special? Kaya nga special , hindi pangkaraniwan. Kakaiba. Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special? Para maging special, dapat may egg, may dalawang scoop ng ice cream, may ube't leche plan.” Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?” “Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.” Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?” “Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).”
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
December 2012
Categories |