Wala masyadong quotable quotes dahil puro katatawanan.Kabaliwan na may katotohanan na gustong iparating.Ginawang katatawanan ang mga bagay-bagay dahil yun ang gusto ng taong makita.Gusto nila ang masasayang kwento.MAski sa entertainment,mas patok ang comedy.Mas patok ang nakakatawa dahil kahit sa sandali man lang na pagbabasa ng libro o panunod naaaliw sila,nakakatawa at kahit papano ay may break ka sa seryosong buhay.Na kahit di man nakakatuwang gawing katatawanan ang paghihirap ng tao,idadaan nila sa entertainment gaya ng movies,libro at kung ano ano pa para matuwa ang tao.Kahit man lang sa maiksing sandali,makapagbreak sila sa seryosong buhay.
Ang mas nakakatuwa sa librong ito ay kung paanong binalikan ng author ang mga kwentong pambata.Naaliw ako dahil isa yun sa kinahiligan ko nung bata ako,ang pagbabasa at pakikinig sa mga kwentong pambata.Kwento gaya ng babae at lalake sa biniyak na kawayan.ang kwento ni pagong at ni matsing na kahit kailan laging brainless si amtsing at mautak si pagong.Kwento ng gamo gamo,kwento ni Pina,ang alamat ng paglikha ng tao sa mundo at marami pang iba.Ginawa ni Eros na katatawanan ang ending pero dio bale na,grown ups naman ang audience nya.Wala naman talagang kwenta dahil puro kalokohan pero sobrang nakakaaliw.At di ko rin maintindihan kung bakit sa tingin ko ay may kabuluhan ang libro na to kahit sa totoo lang ay wala naman...
0 Comments
|
Archives
December 2012
Categories |