By Maloi Malibiran-Salumbides Noong taong 1984 ay pinalabas ang pelikulang "Ghostbusters". Higit pa itong pinasikat ng awit na "If there's something strange in the neigborhood, who are you gonna call, Ghostbusters!" Tungkol ito sa grupo ng mga kalalakihan na ang trabaho ay lipulin ang ang halimaw na nanggugulo sa New York City. Para silang pest control service na isang tawag mo lang ay darating kaagad sa bahay mo o opisina para tanggalin ang mga pests gaya ng anay at iba pang mapanirang insekto. Fiction lamang ang Ghostbusters, pero ang hindi fiction ay ang stress na kakambal ng ating araw-araw na trabaho. Yung iba sa atin, di pa man nakababangon mula sa pagkakatulog stress na stress na. Yung mga nagco-commute, di pa man nakatutungtong ang paa sa office, harassed na dahil sa traffic o pakikipag-unahan sa pagsakay. Wala ka namang matatawagang, stressbusters para tanggalin ang stress mo sa buhay. But the good news is, you can take some steps and do something to manage your stress. Tip #1: Surround yourself with positive people. Kung hindi mo sila mahanap sa opisina, make sure that you have friends na may positibong pananaw sa buhay at maaari mong malapitan o matawagan kapag sobrang stressful na sa iyong trabaho. Ang mga positibong tao ay parang instant spa, napapahinga ang kalooban mo at naaayos ang iyong pananaw kapag naka-usap mo sila. Tip #2: Pray. Wala na yatang hihigit pa sa panalagin pagdating sa stress management. Our being finite beings gives us a lot of limitations na humahantong sa ating pag-aalala at pagiging stressed sa mga bagay na di natin magawa o di natin ma-control. But whenever we go to God in prayer, napa-aalalahanan tayo na ang di natin kaya ay kaya niya dahil walang impossible sa Diyos. A top executive in a company where I do trainings once shared with me a stressful experience that he had in the office. Isa sa kanyang mga top managers ay sinusuyo ng ibang kumpanya para lumipat. Hindi niya matapatan ang sweldo at mga benepisyo na alok ng ibang company and he was worried that one of his most trusted employees will move to a seemingly greener pasture. Ang sabi niya, hindi ko kontrolado ang isip at pasya ng aking staff, pero pwede siyang kausapin ng Diyos. He prayed for his employee and true enough, kumilos ang Diyos sa puso ng manager at nagpasya ito na manatili sa kanyang trabaho. Prayer works. It is s great stressbuster and faith enhancer. Look for a healthier outlet for your stress. Mag-exercise ka, gaya ng Zumba o kung ano man ang physical work-out na kaya mong gawin. Healthy na, nakatutulong pang ma-release ang iyong stress.
Be with positive people, be active and be prayerful. Tatlong paalala para tiyak na mabawasan kundi man lubusang matanggal ang stress mo sa iyong trabaho. Remember what God says in Isaiah 41:13 "For I, the Lord your God, will hold your right hand, saying to you, "Fear not, I will help you." BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
August 2017
Categories
All
|