By Maloi Malibiran-Salumbides
It's Friday confession time here on Protips today. Mayroon akong tanong sa iyo, at gusto kong maging honest ka sa sagot mo. How much of what you do on the internet during work hours is work-related? Sa isang pag-aaral na isinagawa ng International Data Corporation nakita na 30 hanggang 40% ng internet use ng mga empleyado ay hindi work related. Ayon naman sa Nielsen/NetRatings, 92% ng online stock trading ay nangyayari sa mga opisina during work hours at 46% ng online holiday shopping ay ginagawa rin during office hours ng maraming empleyado” [Schweitzer,2004]. Kahit na ang data na ito ay hango sa mga opisina sa America, ito ay totoo rin sa maraming opisina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. How will you know if your work is already suffering from too much use of the internet that is not work related? Internet addict ka na ba? Magandang araw mga ka-Protips, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho. Let me share with you three common symptoms of internet addiction at tignan mo kung ilan dito ang totoo sa iyo. Una, you're updating your status almost every hour. You give in to the urge of telling people kung ano ang iyong ginagawa, kinakain, iniisip at nararamdaman bawat oras. Kapag mayroon kang kakainin sa halip na mag-pray muna, picture muna at post kaagad sa Instagram o Facebook. Guilty ka ba dito? Remember this, it is not too wise to be posting everything that you are doing. This can be used against you by your human resource department lalo na kung laban sa kumpanya ninyo ang iyong ipo-post. Pwede ka ring maging magnet ng stalker, magnanakaw at iba pang masasamang-loob kapag masyadong marami kang impormasyon tungkol sa iyong mga activities ang ipinapaalam mo sa buong mundo. Pangalawa, your sleeping hours suffer because of being too hooked on the internet. Inaabot ka ng madaling araw at apektado na ang iyong tulog dahil sa games o kaya naman sa surfing at pakikipag-chat. Video and internet games have been designed to get us hooked. Hindi ka titigil hanggat hindi mo naaabot ang mas mataas na level. Sa maraming tindahan ngayon, Candy crush ang laro na pinagkakaabalahan ng ng saleslady at minsan nga pati security guard. Walang problema if we do this during our break-time. Malaking problema kung hindi na natin magawa ang trabaho natin dahil abala tayo sa paglalaro. Pangatlo, you intend to check your emails but end up checking the status of your friends on your social network site. Ang plano mo lamang ay magbukas ng iyong email at i-check ito sa loob ng 20 minutes. Lumipas na ang tatlong oras at ang chinecheck mo na ay ang pictures at status ng mga kaibigan mo at ng ibang tao. Undisciplined use of the internet can be a great interruption at work. Kaya nga sa maraming opisina, naka-block ang facebook at iba pang social network sites. Maging matalino at responsable sa paggamit ng internet. Be a blessing in the workplace today! — with Maloi Malibiran-Salumbides and Maloi Salumbides
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
August 2017
Categories
All
|