Isang araw sa Amerika,nagpagupit ang tindero ng bulaklak sa isang barberya.Pagkatapos nyang magupitan,nagbayad sya pero hindi ito tinanggap ng barbero."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang tindero at nilinisan ang shop.Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya,nakita ng barbero ang "Thank you" note at isang dosenang bulaklak. Noong araw ding 'yon,isang pulis naman ang nagpagupit,pero hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito.."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang tindero at nilinisan ang shop.Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya,nakita ng barbero ang "Thank you" note at isang dosenang donut. Isang Pilipinong software engineer ang nagpagupit nung araw na 'yon.Gaya ng dati,hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang Pilipinong software engineer at umalis sa shop.Pagdating ng barbero sa shop kinabukasan,nakita nya sa pintuan ang isang dosenang Pinoy na naghihintay ng libreng gupit! EXCERPTS FROM THE BOOKWho wants to be a Filipino? If you want to be reincarnated and given the choice,would you opt to be a Filipino again? Totoo ang mga kwento ng boss ko.Nakakangilo sa ngipin,pero totoo.At bagama't nakakapikon sya minsan e mabait at mabuti s'yang tao.Sa bayan nila,hinihikayat ang mga tao na umunlad ang tao.Dito daw sa atin,pag umuunlad ang tao,hinihila pababa.Nakakatakot mag negosyo kasi yari ka sa mga "tauhan ng gobyerno".Pag nakitang namumunga ka,babatuhin ka ng babatuhin hangngang malaglag sa mga prutas mo.Walang pinagkaiba kung legal o illegal ang negosyo mo,maglalagay at maglalagay ka rin sa mga kinauukulan.Bakit ka pa magli-legal? Hindi na importante kung ano ang negosyo at bayan ng amo ko.Hindi na rin pinaguusapan dito kung "racist" sya o mas maraming kapintasan ang bansa nila.Ang issue dito ay "tayo".Hindi ako naiinis sa mga sinabi nya.Naiinis ako dahil TOTOO ang mga sinasabi nya. (foreword ng book nya) Ang Pinoy talaga..makakita lang ng camera,nakakalimot na sa sarili.Tignan mo na lang ang mga tao sa balita sa TV,kahit nilapa na ng sunog o tinangay ng bagyo at baha ang bahay,kakaway at ngingiti pa rin sa camera..minsan magtutulakan pa! showbiz! Hindi nalalayo dito ang pagpapahayag ng totoong saloobin ay isa pang problema nating mga Pilipino.Dahil sa Pinas,kung ano man ang gusto mong sabihin ay kailangan sabihin sa English para manatli kang COOL. (pp.83) Nakakalungkot ang mga pangyayari sa Amerika noong September 11,2001,pero doon din e ipinakita nila kung anong klaseng bansa meron sila.Sa kabila ng napulbos na higanteng building,tinawag ng Fox news ang coverage nila bilang "America United",samantalang "America Rising" naman ang sa CBS.Sabi nga ng tanyag na psychologist na si Phil Mcgraw," We have been galvanized,not defragmented".Totoong buong -buo ang Amerika,dahil kahit mga magkakalabang partido sa gobyerno noon ay nagkaisa.Samantalang dito sa atin,wala namang rebentador na pumutok nung araw na 'yon,ay abalang abala ang media sa kwentong Nostradamus at katapusan ng mundo.(pp.91) Kung masaman ang ang imahe natin sa ibang bansa,meron pa ring mga tao na nagmamahal sa mga taga-Pinas.Sa sobrang pagmamahal nga eh handa silang bilhin ang mga kababaihan natin.Sa isang mail order bride website ay ipinaliwanag kung bakit "best buy" ang Filipina.Ipinaliwanag na mahirap ang buhay sa Pilipinas.Ang estado ng pamumuhay nila ay batay sa kakayahang gumasta ay mas mababa pa kumpara noong nakalipas na 25 taon.MAraming walang trabaho at hindi maganda ang hitsura ng hinaharap.Di na nakapagtataka kung magdusa ang mga Pilipino sa ibang bansa dahil sa mababang tingin sa kanila ng mga tao roon.Gusto man nating sabihin na mali ang pagkakilala nila sa mga Pilipino,mahirap pa ring itanggi ang mga nilalama ng balita at statistics.Sino at ano nga ba ang Pilipino?Gaano mo nga ba kaganda maipipinta ang bayan mo sa papel na maraming mantsa?Paano mo pagtatakpan ng paliwanag ang balitang sumisingaw? (pp.129,131) eto ang kwento naman tungkol samga hambog na nakapangibang bayan at nakalimutan na ang pinanggalingan: Pauwi ako ng hotel,kasalukuyan akong nasa elevator habang nakikipagkwentuhan sa mga hapon na karoomate ko ng biglang may nagsalita."hello,where are you from?" tanong nya sa mga kausap kong Hapon."i'm from Tokyo,japan,"sagot ng roommate ko."how about you?" "I'm from San Francisco..I'm just a tourist here".Napansin ko na mukha syang Malaysian na parang nakapag- migrate sa Tate kaya nya siguro nasabing taga_America s'ya.Sabay tanong sa akin," Bout u man,wer u from?"..Ahh I'm from Phillippines,I work here." "Owww really!" sagot n'ya." There's a lot of Filipino working for me."Uuyyyy,sa isip -isip ko baka sakaling makapagsideline ako dito,busnessman eh. Nag-aya sa inuman sa room n'ya,nalasing ang ungas..nakita ko yung passport nya..bah..batet kaya kulay berde? At laking gulat ko na lang ng basahin ko..PASAPORTE..PILIPINAS..eh 'nak ng tsongngong puyat,Pinoy pala ang kumag.Di ko muna pinansin hangang sa inaya nya kaming mamasyal.Lam nyo ba kung saan?Sa Pinas,and take note..sa Gapo daw maganda ..." If you want we f*** girls there daw for a very cheap price." Laking hiya ko sa mga kasama kong Hapon.Sabi ko na lang.."Eh Pinoy kang kumag ka pa-English -English kapa.Itigil mo na yang kayabangan mo dahil kung marunong umuwi yang passport mong kulay berde eh uuwi na 'yan sa Pinas".Natigilan ang ungas sabay smile," Pre,expat tayo dito,we should not let them intimidate us".(Eh kung di ba naman baliw,ginawa mo nang kahiya-hiya ang Pinas tapos ayaw mong maintimidate! hay naku!) Sabay sabing," Taga -gapo kaso ako..marami dun di ba?Eh anak ng bakang baog,bulungan na ako ng langaw sipain ko na tong kababayan natin!Kaya lang para sa ikakatahimik ng bayan,umalis na lang kami ng mga kaibigan ko dahil alam nilang naba-badtrip ako. Kaya sana pag nakapangibang bansa yung iba dyan..wag masyadong hambog,baka mabuhay si Rizal eh ikaw ang ipapabaril nyan sa Luneta.O kaya naman ipapadakip ka ni Rizal sa mga Abu Sayaf,para dun sabihin mong,"I am a foreigner from California,would you ask for a ransom?" Tignan natin kung tutubusin ka ng kababayan mo.Pinoy gumising ka,magpakatotoo ka! (pp.143-144) TUBIIGGG!!!! Ang ganitong kwento ay hindi reklamo tungkol sa hirap ng pagiigib,kundi katanungan tungkol sa pangunahing serbisyo na hindi yata natitikman ng maraming Pilipino.Naniniwala akong may mga tinatawag na low pressure area o lugar na talagang hirap sa tubig pero kung araw araw araw na lang low pressure at low pressure area na ang buong bansa,hindi kaya oras nang diligin ang tuyong sistema? Sa malapitang tinging,paano nga ba mabuhay sa Pilipinas? (pp.145) Kulang lang ba tayo sa pagmamalaki? Ito ba ang dahilan kaya pinalitan ng Phillippine eagle ang maya bilang pambansang ibon?May mali nga ba sa ating kasarilinan at idelohiya? (pp.163) Kung hindi mo alam kung sino ka,paano mo maipagmalaki ang sarili mo? (pp.157) Maswerte ka na kung may linya ng telepono sa inyong lugar.Doble ang swerte kung may tubig na dumadaloy sa mga gripo nyo. Kailangan mong mag OFW para mapaaral ang anak.Para naman mapaaral ang anak ng iyong apo,kailangan nya ring mag OFW.Kung hindi mapariwara ang mga anak mo habang nasa malayo kang lugar,kung hindi ka mabibiktima ng illigal recruiter at makakauwi ka ng buhay at matiwasay,swerte. Samantalang ang mga kababayan mong hindi kasing palad ay nagtitinda ng sarili nilang anak o kidney.Ang iba e nagiging fulltime contestants sa game shows at lottery.Ang mga teacher kailangang magtinda,ang mga pulis kailangang mangotong,ang mga nurse kailangang mag abroad at ang mamemelikula kailangang gumawa ng basura para kumita.Kung bakit mga basura ang kumikita at kung bakit gustong gusto ito ng mga Pinoy ay walang nakakaalam. MAy mga nang-aagaw ng cellphone,may mga namemeke ng CD.May mga nangingidnap,may nagtutulak ng droga,may nagtitinda ng aliw dito at sa ibang bansa,may nagpapakasal sa dayuhan,may magnanakaw ng mga takip ng manhole,may nangungupit ng pondo,may tumatakbong public official,may nagaartista (inagawan ng mga taga ibang bansa) at may kumakain ng pesteng daga at basura kung walang wala na talaga. Ang mga bata ay nakakalat sa kalye,nagtitinda ng sigarilyo,sampaguita,sweepstakes,dyaryo at minsan pati sariling laman.Ang mga mapangarap ay nandudukot ng pitaka,ang mga tamad ay naghihithit ng solvent. Kung makakapag aral ka,kung alam ng teacher mo ang itinuturo nya,kung hindi taon- taon magtataas ng tuition fee ang iyong paaralan,kung hindi mauubos ang oras nyo sa kaka-protesta,kung recognized ng DEP-ED ang eskwelahan mo at makakapagtapos ka dito,swerte. Kung makakahanap ka ng trabaho,kung makakapasok ka sa kumpanyang tapat sa paghuhulog ng kontribusyon sa SSS,Philhealth at Pag-ibig,kung tama at nasa oras magpasweldo ang employer,kung hindi magsasara ang kumpanya at kung hindi ka nito paaalisin dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya,swerte. Ano man ang trabaho mo,kailangan mong dumaan sa lubak-lubak,binaha,mausok,at matrapik na kalye araw-araw.Magbabayad ka ng pamasahe na taun-taon nagtataas.Kung hindi ka mahohold up sa jeep ng mga bandido at pulis,swerte. Walang toilet paper ang mga pampublikong palikuran dahil inuubos lang ito ng mga tao at inuuwi sa bahay.Wais ang tawag sa kanila.Magandang abilidad ang wais at hinahangaan ang magaling lumusot.Kung pwede kang makalibre,di ka dapat magbayad.Kung pwede kang maka-dalawang libre,hindi ka dapat umuwi na magisa lang ang dala.Kung may kakilala kang magpapadali ng mga pampubliko mong dokumento,ayos.Kung kaya mo tong gawin lagi,pwede kang kumita sa pagiging fixer.Pagtatawanan ka kung palalagpasin mo ang mga tao at pagkakataon na pwedeng pagkakaperahan. Nakatira ka sa isang bansa kung saan maraming presidente,kung saan ang pangangampanya ay naguumpisa ng tatlong taon bago ang halalan,kung saan ang artista ay politiko at politiko'y sirkero,kung saan ang bureau of investigation ay napapasabog at ang mismong mga senador ay paulit ulit nananakawan ng kotse. Ang taong bayan ay bumoboto sa kandidatong gusto nilang pagsilbihanAng basehan ng pagpili ay ayon sa kasikatan ng kandidato,sa kabutihan ng papel na ginampanan nya sa isang pelikula,sa ganda ng kanyang ngiti,o sa kaawa-awa nyang estado. Ang mga pinunong-bayan mo ay masipag sa mga proyektong inumpisahan isang buwan bago ang halalan.Natapos man,kasalukuyang inuumpisahan o pinapangarap pa lang,nakalista na ang achievement sa mga pinapakalat nilang fliers tuwing eleksyon.Ang kaakmaan nila sa posisyon ay nakasalalay sa kakayanan nilang kumanta,sumayaw,kumain nang naka-kamay,kumarga ng bata,at makipagkaibigan sa mga religious leader na kapwa politiko. Ang kumikitang pelikula ay yung tungkol sa itlog,kangkong,gatas,pinya at talong.Ang mga mabibiling libro ay mga koleksyon ng mga patawa.Ang mga pinapalabas sa sine ay pinagbibidahan ng mga balik-bayan na hindi makapagtagalog,samantalang ang mga manlalarong balikbayan na mahusay naman sa bola ay pinalalabas ng bansa. Ang mga bus at jeep ay humihinto kahit saan at kahit gaano katagal.Ang mga mamamayan ay tumatawid sa ilalim ng overpass at sa ibabaw ng underpass,nagtatapon ng basura sa kalye,umiihi sa pader,nagtitinda sa bangketa at nagtatayo ng kubo kahit saan. Ang mga muhon ay ginigiba at ang mga gubat ay kinakalbo.Ang mga probinsya ay walang ospital,ang mga ospital walangbulak,ang mga eskwelahan ay walang upuan,ang mga sundalo ay walang baril,ang mga kalalakihan ay walang trabaho,ang karamihan ng tao walang pakialam,ang karamihan ng politiko ay walang utak,at yung ibang may utak,walang puso... Sa bawat selebrasyon ng bagong taon,may mga bagong biktima ng ligaw na bala at paputok.Paulit-ulit,walang nadadala.Laging may kakatwang traffic volume reduction scheme,kung saan para lumuwag ang daan ay ipinagbabawal ang mga sasakyan.LAgng may kurakot na presidenteng iniluluklok at sinisipa.Laging may gustong gumahasa sa konstitusyon.Laging may ginagawang batas na di naman pinapatupad.Laging may artistang nahuhulihan ng droga sa ibang bansa.Laging may mga pelikulang di mapagdesisyunan kung bastos o masining.LAging may estudyanteng nagbubuwis ng buhay sa hazing.LAging may bumabagsak na eroplano.Laging may manifesto,over loaded,walang lisensya,hindi seal worthy,at maraming violations ang mga barko,pero lagi ring walang alam ang kinauukulan hangga't walang nadidisgrasya.Ganon din ang sunog ng maramihan kung lumalamon ng buhay at ari arian.Mahirap magpatupad ng batas,pero madali maghanap ng violations pag oras ng sisihan."What a f****** way to die!" sambit ng isang balikbayan nang mabalitaan nya ang mga taong natabunan ng basura,nasunog sa pagkakakuryente,at nalunod sa tubig-ulan nang gumuho ang bundok ng basura ng Payatas,Paulit ulit,ulit,ulit,ulit....Walang nadadala,walang nasosolusyonan.Ang tanging napapadala natin ay relief goods na ipinamumudmod ng mga politiko tuwing may camera,ang walang katausang imbestigasyon ng gobyerno,ang walang kinahihinatnang diskusyon sa radyo,ang mga walang awat na turuan sa dyaryo,at ang mga halloween special sa TV na buong sipag na nangongolekta ng mga nagmumultong biktima.Sa kabuhayang hinahanap ng mga tao,asan ang gobyerno?(pp 146-149) Tanong ko ulit,Paano ko ba ipagsisigawan na Pinoy ako?Pano ko ba kakantahin ang bayang magiliw este Lupang Hinirang na may "proudness" sa aking sarili at sa aking bayan? Pano ko ba bibigkasin ito nang tapat sa aking puso at hindi isang ritual lang sa isang paaralan o pagtitipon? May maipagmamalaki pa ba ako? (Wala ito sa Libro,dinagdag ko lang just to bridge and end the topic,masakit sa daliri,haba eh..he he :)) Madami pa din dapat ipagpasalamat at ipagmalaki ang isang Pilipino..Una,at ang pinakaimportante sa lahat,sa kabila ng kapintasan nito,DEMOKRATIKO PA RIN ANG PILIPINAS higit sa ano pa mang bansa sa Asya.Matibay lang ang paniniwala ko na ang pinakamalaking kakulangan ng bansang ito ay ang kakulangan ng PAGMAMALAKI BILANG PILIPINO.(mga ibang nangibang bayan,ayaw aminin ang pinanggalingan,yung iba to the max ang pag English para lang mas sosyal,pag may panauhin tayo mula na foreigner,mas nabibigyan sila ng importansya o halaga at first class ang serbisyo ng Pinoy sa kanila,kadalasan sinasamba ng mga Pinoy ang taga ibang bansa at ang gawang ibang bansa o yung tinatawag nating imported) Kahit saang anggulo tignan mahirap atang lunukin ang katwirang " eh ano kung mabaho tayo,may mas mabaho pa naman sa atin ah!". Sa halip na ikumpara ang ating sarili sa mas marumi at mas atrasado kaysa sa atin at nakukuntento sa kaalamang "hindi pa tayo ang kulelat",hindi ba't dapat lang na sikapin nating umangat at makapantay sa mas malinis at mas maunlad kaysa atin? Higit sa lahat,kaysa ipinapakita natin ang "pagmamalasakit" sa bayan sa pagtatakip at pagtatangol sa ating kahinaa't kapintasan,mas nararapat sigurong harapin natin ang mga kahinaa't kapintasang ito at gawin natin ang ating magagawa sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bayan,upang ang sinumang tao,dayuhan man o kababayan ay hindi magkaroon ng pagkakataong ito'y laitin o pintasan.Hindi ba? Pagod ka na bang maging Pilipino? Siguro ayos lang kung mga street children ang sisigaw ng "Walang silbing buhay,impyerno!"-ayoko na maging Pilipino! o mga dumpsite ay sisigaw ng "LAng hiya kayo,INYO NA LANG ANG PILIPINAS!!!! Walang kwenta tong bansang to'..Walang oportunidad,di umuunlad!Walang silbi! Pero kung sino pa ang mahihirap na pinagkaitan ng oportunidad o proteksyon,sila pa ang mas nagmamahal ng kanilang bansa.Kadalasan ang sawa na maging Pilipino ay yung mga nakakatikim sa DisneyLand,yung mga nakatapos ng edukasyon at tinuringang scholar ng bayan,yung may magandang trabaho,malusog na pamilya...at namumuhay ng matiwasay sa ibang bansa... Kung pag aasenso lang naman,madaling umasenso sa ibang bansa.Mas madaling kumita ng pera.MAs masusuportahan mo ang sariling estilo ng pamumuhay.Pero di nangangahulugan na wala kang mahihita sa bansang kinagisnan mo.Dahil aminin mo man o hindi,gumamit ka rin ng kayaman nya..MArami ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanongkung gusto sila ng Pilipinas. Wala namang masama sa pangingibang bayan,Walang masama kung gusto mong lisanin ag barko na sa tingin moy palubog na.Basta't wag mong hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapang isalba ito ng ibang tao...(pp 188) OO, maraming bayan ang tulad ng Pilipinas na sinisi ang sarili nila.Maraming problema ang binanggit dito.Pero hindi natin pinaguusapan dito ang mga pagkakaparepareha o pagkakaiba ng mga kakulangan natin at ng ibang bansa.Ang pinag uusapan dito ay ang kamulatan natin at mga mali nating pwedeng itama,ang pagbabawas sa sariling kapintasan,at ang pag unlad sa kabila ng mga kakulangan nating mejo mahirap talagang punan.(pp 198) Sige nga.magbigay ka ng 12 na dahilan kung bakit magandang manirahan sa Pilipinas at kung bakit ko ipagmamalaki ito? Hamon ng isang mambabasa.. Sagot ni Bob Ong: Mahirap magbilang,pwede akong umabot sa isang milyong dahilan kung bakit magandang manirahan sa Pilipinas.Pero isa sa isang milyon na yon,pwedeng wala ni isa man doon ang makabuluhan para sa ibang tao.Dahil kung gusto mo talagang manirahan sa Pilipinas,isang dahilan,sapat na.
0 Comments
Leave a Reply. |
Archives
December 2013
Categories |