Isang araw sa Amerika,nagpagupit ang tindero ng bulaklak sa isang barberya.Pagkatapos nyang magupitan,nagbayad sya pero hindi ito tinanggap ng barbero."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang tindero at nilinisan ang shop.Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya,nakita ng barbero ang "Thank you" note at isang dosenang bulaklak. Noong araw ding 'yon,isang pulis naman ang nagpagupit,pero hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito.."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang tindero at nilinisan ang shop.Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya,nakita ng barbero ang "Thank you" note at isang dosenang donut. Isang Pilipinong software engineer ang nagpagupit nung araw na 'yon.Gaya ng dati,hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito."Thank you,but I don't accept payments..this is community service," sabi ng barbero.NAtuwa ang Pilipinong software engineer at umalis sa shop.Pagdating ng barbero sa shop kinabukasan,nakita nya sa pintuan ang isang dosenang Pinoy na naghihintay ng libreng gupit!
0 Comments
|
Archives
December 2013
Categories |