This makes sense in a funny but informative way.Shared by Sheng via Kerio email.
“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala. Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.
0 Comments
|
All opinions express here are just personal thoughts or reactions to any social,political and religious everyday issues.
This is also where I put most of my random personal reflections. Pretty much my diary. Archives
July 2017
Categories
All
|