Rizal, ang aking Valentine date. Eto ang pamagat ng love story ko na inuumpisahan ko nang isulat.Yun nga lang, "unrequited love" dahil bukod sa matagal nang patay si Rizal eh baka pagkamalan akong may sakit sa utak Ibinuhos ko ang maraming oras kaka-stalk sa buhay ni Rizal para naman may maisagot akong matino sa napakahabang MIDTERM EXAM sa school.Napagod ako at nakatulog kaya naman, paggising ko Febuary 15 na. May na miss ba ako bukod sa kahapon? Masyado lang siguro akong tutok sa pag aaral sa school at isa mga subject ko ay RIZAL kung saan nagkaroon ako ng malalim na kagustuhang pag aralan pa ang buhay nya ng mas malalim hindi lang dahil required sa school kundi dahil nabuo ang malalim kong interest sa kanya dahil sa matinding paghanga at pagkamangha sa naging buhay nya.
Familiar ako sa ilang detalye ng buhay nya, kung sino at ano sya. Alam ko, pambansang bayani sya at paminsan minsan may mga dokumentaryo at pelikula na inilalahad tungkol sa kanya.Yun nga lang, ewan ko ba kung bakit mas gusto nilang ilahad ang mga tsismis at iba pang negatibong bagay tungkol sa kanya kesa mga bagay na nagawa nya. Isang dahilan ng malalim na paghanga ko sa kanya ay dahil sa malalim na pagmamahal nya sa Edukasyon. Uhaw sya sa kaalaman. Lagi syang nagsasaliksik at ang maganda sa lahat,na ishare nya lahat ng kanyang nalalaman sa pamamagitan ng pagsusulat. Edukasyon at pagsusulat, dalawang aspeto na napakahalaga para sa akin. "the pen is mightier than the sword" ika nga. Siguro sa ngayon pwede na natin sabihing " the internet is everything" Hindi lang ito " mightier" kundi napakalaking impluwensya sa ating lahat na marunong gumamit nito. Kung kaya naman,imbes na ibuhos mo ang lakas mo sa hindi pag sang ayon dito at imbes na kainisan mo ang mga modernong pagbabago,ibuhos mo na lang ang lakas at talino mo na pagaralan kung paano gamitin ito ng tama. Ito ang dahilan kung kaya naman oras ang ginugol ko para pag aralan sya ng malalim di lang dahil requirement sa school kundi naging personal hero ko sya. Ngayon,masasabi kong bayani nga sya hindi dahil pinili sya na maging bayani kundi pinili ko sya bilang personal na bayani dahil malking inspirasyon sya sa akin.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|