"Sa Fairview po tayo",ang mahina kong sagot sa taxi driver nang tanungin ako kung sa'n kami. Pagka andar ng makina, sinabihan agad ako na ilock ang pintuan para daw iwas sa "bukas pintuan gang". Mejo kinabahan ako pero di ko na lang halos pinansin dahil ansama ng pakiramdam ko at kailangan ko habulin oras para di ako ma-late sa trabaho. Mejo may edad na ang taxi driver at mukhang mabait naman kaya pinili kong pagkatiwalaan sya.Hindi mo rin masisisi kung bakit laging may pagdududa sa mga pasahero pag sumasakay ng taxi dahil na rin sa talamak na balita ng kasamaan araw araw. Pagka andar ng makina, sinabihan agad ako na ilock ang pintuan para daw iwas sa "bukas pintuan gang". Mejo kinabahan ako pero di ko na lang halos pinansin dahil ansama ng pakiramdam ko at kailangan ko habulin oras para di ako ma-late sa trabaho.
Mejo may edad na ang taxi driver at mukhang mabait naman kaya pinili kong pagkatiwalaan sya.Hindi mo rin masisisi kung bakit laging may pagdududa sa mga pasahero pag sumasakay ng taxi dahil na rin sa talamak na balita ng kasamaan araw araw. Pagkaliko namin sa Diliman,nag umpisa nang makipagkwentuhan si Tatang sa akin.Ayoko sanang makipag usap dahil masama pakiramdam ko pero ayoko din namang maging bastos kaya matyaga kong sinasagot mga tanong nya. "Ma'm kita nyo po mga number dyan sa gilid ng pintuan? Pakitandaan po yan at kung maari ay pakisulat nyo po", ang nakangiti at magalang nyang paalala. "Yang mga number na yan,dapat yan po ang unang -una nyong hanapin pagkasakay nyo pa lamang sa taxi.Inilagay po yan at required yan sa lahat ng taxi para sa proteksyon ng mga pasahero.Yan po ang mga numero na pwede nyong itext o tawagan kapag may irereklamo kayong driver o kung sakali mang may naiwan kayong gamit sa taxi", dagdag pa nya. Natuwa ako sa kanya. Tuloy pa sya sa pagkwekwento upang alisin siguro ang pagkayamot ko dahil sa mahabang trapik at sa katotohanang naghahabol ako ng oras na masama pa pakiramdam.(Sa panahong yon,BAWAL ANG ABSENT). Pagdating namin sa opisina,nagmamadali ako bumaba dahil halos late na ako. Pinaalalahanan nya akong pakitignan mabuti baka may naiwan ako bago bumaba. Hindi ko sya halos pinansin dahil sa pagmamadali. Bago ako pumasok sa pintuan ng opisina namin, isang malakas na busina ang tumawag ng aking atensyon.Napalingon ako at nakita ko si tatang nakadungaw sa bintana ng taxi,pinababalik nya ako.Dali dali akong bumalik sa pagaakalang baka nakalimutan kong iabot ang aking bayad. "Ma'm, cellphone nyo po",nahulog sa may upuan bungad ni tatang.Di ko alam kung anong pasasalamat ang gawin ko dahil sa labis na kabaitan na pinakita nya.Wala akong dalang extra na pera sa araw na yon dahil saktong baon ko lang ang dala dala ko araw araw pag pumapasok ako sa trabaho para mas tipid sa gastos.Sa sobrang tuwa ko, binigay ko lahat na baon ko di bale nang hihiram na lang ako sa mga ka-officemate ko pambili tanghalian at pamasahe pauwi. Alam kong di sapat yun kaya sinamahan ko ng maikling panalangin na sana pagpalaain ng Dios si Tatang sa araw araw nyang buhay lalo na ang kanyang kalusugan at sana lalakas ang kita nya sa pagpapasada araw araw.Pinasalamatan ko sya at sinabi ko sa kanya na sana madami pang driver ang kagaya nya at pinaalalanan kong mag ingat pag uwi dahil gabi na din at sa Bulacan pa uwi nya. Dahil sa kanya, pumasok ako sa opisina na napakasaya at gumaan ang pakiramdam.Di ko maipaliwanag kung paanong biglang guminhawa bigla ang pakiramdam ko. Bago ako mag "log in" at mag umpisa ng shift,saglit akong pumikit at nagpasalamat sa blessings in disguise na natanggap ko sa araw na ito.Nagpasalamat na din ako sa trabaho ko na halos di ko na maappreciate sa matagal na panahon. "Salamat Panginoon dahil sa mga pangyayri sa araw na ito.Salamat po talaga.Sana po,lagi nyong gabayan at pagapalain si Tatang"",ang tanging nasambit ko...
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|