"Eh ano nga birthday wish mo, ano gusto mo regalo" kinukulit ko si Mama kahapon nung tumawag ako para batiin sya sa kanyang 58th birthday. Natigilan sya at mukhang matagal bago sya sumagot ng " Wala. Di ko Alam". Bakit wala, meron yan. Malay mo kaya kong ibigay. "Wag lang magtanggal ng uban nyo buong araw dahil mas malabo na po mata ko kesa inyo", pabiro kong sabi sa kanya. " Ewan ko. Wala akong maisip. Imbes na gagastos ka, ipunin mo na lang yan para magamit mo pa sa mas kailangan mo" ang payo nya sa akin. " Sus,Weh, di nga. Pang Beauty Pagent lang ang sagot? Mama talaga, nahiya ka pa. Ayaw mo pang sabihin eh gustong gusto mo chocolates noh" Natawa na lang sya. Yes, napatawa ko si mama! Achievement sa akin yun. Isa kasi yun sa birthday wish ko sa kanya last year.Matagal na ding panahon na di ko nakita o narinig na tumawa si mama. Sinikap kong iimagine ang matamis nyang ngiti habang kausap ko sya. " yiii, chocolate lang pala magpapasaya sa 'yo. Cheap ni mama. Tawanan ulit. Ayan, labas dimples nya dahil nakarinig ng chocolate" ang panunukso ko sa kanya. Sa totoo lang, bukod sa pagkahilig nya sa chocolate, alam ko na madaming hangarin si mama na di ko kayang ibigay. Hindi "expressive" at " showy" si Mama. Bihirang ngumiti at tumawa. Sa mga nakakakaalam sa akin mula pagkabata, alam nila kung paanong hirap ang napagdaanan namin bilang mag ina. Panahon ang sya na ring nag ayos sa amin. Ika nga, " time heals all wounds" at totoo po yan. Dati nga naisip ko, wala ng pag asa na magkaayos pa kami pero pagkalipas bg maraming taon na malayo ako sa kanya at halos hindi na kami naguusap, madami akong natutunan sa pamamagitan ng mga napagdaanan ko sa buhay na mag isa. Walang suporta ng pamilya. Pinilit kong mabuhay at lumaban sa paraang nais ko na may iisang hangarin, ang magtagumpay at babalikan ko ang lahat ng nangapi at nanakit sa akin. Yun ang buong akala ko. Sa paglipas ng panahon,di ko namalayan yun pala ang magtutulak sa akin upang maging matatag ako sa pagharap ng iba't ibang problema na dumating sa buhay ko at dun ako natuto. Nalaman ko na kahit pala gaano kalalim ang galit at hinanakit mo sa isang taong mahalaga sa 'yo, temporary lang pala yun. Darating na lang ang araw, biglang mawawala ang lahat ng yon sa habag at tulong ng Dios. Ewan ko, kung hindi siguro sa taimtim na panalangin at sa malapit na relasyon ko sa Dios, hindi ko rin maisip kung darating ako sa punto na nawala lahat lahat ng hinanakit at poot sa aking puso. Napalitan ng malalim na pang unawa at awa lalong lalo na kay Mama. Kung gaano kalalim ang hinanakit ko sa kanya noon, ganon na lamang ang lalim ng kagustuhan kong ipakita sa kanya ang pagmamahal ko ngayon. Kaya ko to na ishare ay gusto kong himukin lahat ng kaibigan ko na maaring nakarelate sa kwento na ito. Di natin maikakaila na sa panahon natin, madaming kabataan ang galing sa broken families.Madaming problema sa pamilya na buong akala natin eh, ganon na talaga. Magulo at walang pag asa na magkaayos. Sa mga kabataan, alam ko mahirap at maaring mahabang panahon ang kakailanganin nyo para maghilom ang sugat. Hindi ko alam kung papano at hanggang kailan nyo daranasin nyan pero isa lang ang sigurado ako," mas masarap mabuhay na ikaw ang nagpatawad at nagmamahal at malaya ka sa galit at hinanakit". Lahat ng yan, walang ibang makakatulong sa 'yo kundi sarili mong desisyon at pag iisip.Ikaw lang sa tulong ng Dios, ang makakapagbago nyan. Mahirap pero possible. Sa mga magulang na pilit pinagtitiisan ang lahat maibigay lang ang lahat para sa kanilang mga anak,pagpalain po kayo ng Dios. Hindi man nila ma -appreciate sa ngayon ang hirap at sakripisyo nyo pero kasama na po yun na huhubog sa pagkatao nila. Balang araw, kahit wala na kayo sa piling nila, ang mga ala ala nila sa inyo ang maiiwan sa kanila at dun sila huhugot ng kalakasan sa panahong kailangan nila. Sa mga kasalukuyang nakaharap sa pagsubok, ilapit nyo sa panginoon at wag na wag kayong magbigay ng isang bagay na hiningi lamang sa inyo lalo na ang kapatawaran. Ito ay hindi hinihingi bagkus kusa itong binibigay sa panahong kaya mo o handa mong ibigay. Madaming bagay ang kaya nating ibigay para sa mga mahal natin sa buhay na hindi kayang bilhin ng pera. (Pero maganda na din may kasamang regalo) Buong akala ko, wala lang kay mama yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa kanya gaya ng pagpapadala ng chocolate minsan. Hindi ko alam, kulang na lang pati wrapper ng pinadala ko maingat nyang tinatabi. Akala ko, sentimental ako mas sentimental pa pala si mama.Mana mana lang yan. Hehe So gusto kong iparating na habang buhay, dapat may pagasa. Meron tayong choice talaga. Hindi po totoo ang walang choice. Laging meron yan,nasa prioridad na lang nagkatalo talo. Iba iba tayo ng pinagdadaanan at pagdadaanan. Iba iba tayo ng character at personality pero naniniwala ako na lahat tayo, may kakayahang piliin na mamuhay ng mas masaya at malaya sa hinanakit, poot at galit. No one is born happy but everyone can chose to be happy. Magandang Araw po! Be a blessing to someone today!
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|