Miss, lipat ka na lang sa kabilang jeep, ako bahala sa 'yo" 3am na naman. Habang ang karamihan ay nasa kasarapan ng tulog, ako ay papasok na sa trabaho. Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng shift na madaling araw. Sumakay ako mula Don Antonio ng jeep na may " Zabarte/ SM FAIRVIEW" na signboard. May mga pitong pasahero ang jeep nung sumakay ako pero pagdating sa Litex, ako na lang ang sakay. Sinabihan ako ng driver na kailangan daw nya ako ilipat dahil lugi daw sya sa gasolina pag ako lang ang sakay. Gusto kong manumbat, gusto kong sabihin sa kanya na OA naman ata ang expectation nya na dapat punuan ang jeep sa madaling araw! Pero maaga pa at ayokong masira agad araw ko kaya tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naglilipat sila ng pasahero.Madalas gawain yan ng mga drivers sa madaling araw. Naiintindihan ko naman yung part na magastos sa gsolina pero kasama yun sa challenges kapag pumapasada sa madaling araw. Okay lang sana sa akin kaso bukod sa di nya inabot bayad ko sa kabilang jeep na lilipatan ko, di pa nya binigay sukli ko. Di ko agad naisip kunin dahil nawala sa isip ko. Isa pa , mabilis humarurot yung jeep pagkababa ko . Lipat ako sa kabilang jeep. Nung iaabot ko na sana ang bayad ko nasa bandang Dona Carmen na kami nung napansin ko, yung driver pulang pula ang mga mata tapos kung ano ano pinagsasabi tapos tatawa na lang bigla.Saka ko lang tinignan mga kasama kong pasahero, apat na mga lalake yung dalawa lasing na lasing. Bigla akong kinabahan. Usap sila kasama driver. Kantyawan, tawanan. Mukhang magkakakilala silang lahat. Tumabi sa akin ang isang lalake na lasing at nag umpisa nang makipagusap sa akin. Tinatanong saan ako pumapasok, saan ako nakatira at anong trabaho ko. Anlakas maka imbestiga ni manong.Lalo akong kinabahan. Syempre nagsinungaling ako sa lahat ng mga sagot ko. Ayoko kasing maging bastos at magtaray baka lalo akong pagtripan. Tumabi din yung isa pang lasing sa akin at napagitnaan na nila ako. Gusto daw nila makipagkaibigan at ipakilala yung isang binatang kasama nila. Di ko na matiis at kailan ko nang bumaba dahil iba na talaga pakiramdam ko.
Sabi pa ng driver , di na daw sila magsasakay para special na ihahatid daw ako sa trabaho. Tinanggal nga ang signboard. Bandang Winston na kami nung nagsabi na ako na gusto ko nang bumaba. Tinanong ako kung bakit, kung natatakot ba daw ako. Di naman daw sila masasamamg mga tao. Mga lasing lang daw at sila na daw bahala sa akin. Nakiusap ako sa driver," kuya kailangan kong bumaba dahil nakalimutan ko ID ko" ang pagsisinungaling ko. Tinanong saan ba daw ako uuwi , willing daw sila na ihatid ako sa bahay. Sa sobrang kaba at pag aalala ko lumapit na ako sa pintuan ng jeep at handa akong tumalon pag ayaw pa nila ako ibaba. "Miss , wag ka naman matakot sa amin. Pwede mo kami pagkatiwalaan. Ikaw naman oh masyado kang matatakutin" sabi pa ng isang mama. " Pakibaba nyo na po ako kundi tatalon ako" ang aking pakiusap. " Pre, baba na natin to, mukhang seryoso sya" ang natatawang sabi ng isang mama. Binaba ako lagpas Regalado na kami nun.Madilim, walang tao at mejo matagal ako naghintay bago ako nakasakay. Buti na lang may napadaan na FX dahil parang ayoko na sumakay ng jeep sa pagkakataong yun. Pagkaupo ko sa FX saka na lang nag sink in ang takot, nerbyos at inis. Naiiyak na ako dahil sa halo halong pakiramdam pero laking pasasalamat ko pa din dahil walang nangyari sa akin na masama. Salamat at tapos na din ako sa madaling araw na pasok. Sa mga pumapasok at umuuwi ng madaling araw doblehin ang pagiingat. Sana talaga may mga pulis na manghuhuli sa mga lasing o naka drugs na drivers lalo na sa madaling araw. May mga nakikita akong patrol cars naman kaso kadalasan tulog yung mga naka patrol. Madami ding aksidente akong nakikita sa madaling araw at madalas mga naka motor na bumangga or binangga at walang mga helmet . Sa mga pumapasok o pauwi sa madaling araw lalong lalo na sa mga kagaya ko na nagtratrabaho sa call center,lagi po tayo magiingat at alerto. Ingat po kayo. Dios nawa ang laging gagabay sa inyo.
0 Comments
Leave a Reply. |
This happens when I try to rest my mind but I keep thinking and I seem to keep remembering what I have been thinking and I ended writing them.
Contains all my personal blogs whilst contents are very subjective so ..
Archives
October 2015
MY OWN BLOGS
All
|