QUOTABLE QUOTES"nagsusulat ako para sa sarili ko"
" Life is like a can of fruit cocktail.If you don't like any of the fruit,at least you can still have the syrup.Not good enough? Well,the tin can is recyclable" "hindi naman naipapambayad ng kuryente,tubig at iba pang gastusin ang IQ" " Minsan ang katangahan ay parang sipon.Hindi namamalayan pero kusang dumadapo.Walang gamot.Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang lifestyle o pagaalaga sa sarili" "ang pagpili hindi laging nangangahulugan na may pagpipilian ka.O malaya ka.O ikaw ang nasa control.Depende kung sino ang gumawa ng pagpipilian.Depende kung sino ang gumagawa ng pagpipilian.Depende kung sino ang nagpapapili" "sa buhay na ito,minsan kailangan mamili kahit parang walang mapagpilian,at minsan kailangan mamili kahit parang walang mapagpilian,at minsan kailangan mamili kahit na anuman ang mapili,talo ka pa rin" Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.” "sabi nga ng matatanda,wag daw hanapin ang wala pero kaya ka nga naghahanap kasi wala.Pero pano kung nagtago kasi ayaw magpahanap? " " ang bag ng babae ay simbolo ng kayang daigdig.The mere fact na nagdecide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag nya,yun ang personal nyang mundo.Kaya nya dinala yun kasi yan ang kaya nyang dalhin.kaya di ko binibitbit ang bag ng babae kasi gusto kong sabihin sa kanya an with or without me,or each other,tuloy lang ang pagbitbit ng mundo,ng kanya kanyang daigdig" "sabi nila,ang matatalino daw,poor ang judgement sa pagibig" "maari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto pero mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal" "kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan,ang hinaharap para tanawin at pangarapin" "sarili ko nga di maintindihan,pilipinas pa kaya" “May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?” MY REVIEW Sa lahat ng libro nyang nabasa ko na,eto ang pinaka hindi ko nagustuhan.Ewan ko,siguro nga masyadong defensive lang ako sa Religious faith ko.O di kaya naman,masyadong mataas ang expectation ko.Baka naman,fixated lang ako sa mga nakaraang books nya at parang ineexpect ko pa din na dapat gaya ng dati.Sa totoo lang ,parang septic tank ang laman ng librong ito.It's full of shit! Pero bakit ko pa din binili? Ewan ko ba,siguro masyadong nagustuhan ko yung author kaya halos lahat ng books nya inabangan ko.Inaabangan ko yung sarcastic ngunit matalinong presentasyon ng kanyang mga kuro kuro o imahinasyon.Inaabangan ko ang seryoso na may katotohanan na sinamahan ng pasimpleng mga banat.At lalong gustong gusto ko kapag napapatawa ako ng malakas.Yun bang napapangiti at napapahalakhak ako kahit mag isa .Yung para na akong baliw.Parang may invisible friend ako sa tabi na bininigyan ako ng "banat quotes" or "knock knock banat".Yun ang namimiss ko.Hindi ko naman sinabing pangit ang lahat ng sinulat nya.Sadyang hindi ko lang siguro nagustuhan. On the other hand,naisip ko din na malaki na nga yata ang pinagbago ng mundo ngayon.Ibig sabihin,sa araw araw na buhay natin,andaming pwedeng nabago or andaming pwedeng mabago.Bagama't hindi lahat ay pansin natin.Siguro kaya ako nagugulat or sometimes naweirduhan kasi hindi ko mahabol yung pagbabago.O di naman kaya,di ko matanggap kasi nga malaki lagi ang tendency ko to be fixated in the past.When I see old things or photos,it usually makes me feel nostalgic.Dito pa lang sa paraan ng pagsusulat ng author,parang pakiramdam ko naghahalong protesta at panghahamon ang pinakita nya dito.Freestyle ...kumbaga ang layunin ay mailapit ang nais nyang iparating sa tao sa pinakamadaling paraan. Hindi ko nagustuhan ang librong ito dahil punong puno ng bitterness at personal na pangungutya sa pananampalataya ng ibang tao,lalo na sa mga Kristyano.Oo,since sya ang sumulat,pwede nyang isulat lahat ng gusto nyang isulat.Pero sa tingin ko,siguro naman dapat may social responsibility din yung mga manunulat sa kung ano anong sinusulat nila lalo pa't hindi nila alam kung hanggang saan makakarating ang kanilang impluwensya.Maaring yun nga mismo ang dahilan,para makaimpluwensya at maikalat ang kanyang paniniwala.Fine,you can just go with it but it doesn't entitle you to look down on others because of what they believe.Kahit ano pa yan,one deserves respect.Sinabi din naman nya eh,di bale nang di ka likable basta respeto nila nasa sayo. Parang eto lang ata ang libro na sobrang sinagasaan nya ang RELIGION,FAITH AND SEXUALITY.In a way very interesting.Hindi ko nagustuhan pero hindi ibig sabihin ayaw kong basahin.Gusto ko pa din syang basahin kasi kahit papano,nagising nya ang interest ko yung tipong bawat pahina napapaisip ako.Kaya nga ako nagbabasa ng mga libro kasi gusto kong makita ang mga bagay bagay sa pananaw ng ibang tao.Ito ang nagsisilbing tulay upang tumawid ako sa iba't ibang mundo .Mahirap sigurong maging katulad ni Intoy.Parang kulang na lang sumabog ang utak nya sa dami ng iniisip.Parang sa sobrang katalinuhan,lahat na lang ginawang komplikado. Dito nya tinuloy yung kwento ni Intoy at Jen sa unang libro nya.Friends with Benefits ang peg nila dun.Wild si Jen.Ayaw nya ng commitment at mala Anne Curtis ang eksena " Don't you dare to fall in love with me Intoy" ang drama ni Jen pero sa bandang dulo mukhang para sa kanya ang linya na yon.Nagpakalayo sya.Nawala na lang bigla kasi sya ang nainlab at nabuntis sya.Samantalang si Intoy,patuloy sa paghahanap at kakaisip sa kanya.Sinubsob ang sarili sa trabaho.Inubos ang oras sa kaiisip.Pinagtripan ang manok ng kapit bahay .Pinagrtipan ang mga ipis at kung ano ano pang pwede nyang pag aksayahan.Then she met Tina,his beautiful supladang boss.Nagumpisa sa pasama sama hanggang sa nauwi sa seduction.And then the truth was finally revealed.Tungkol sa pagkatao ni Tina .Tungkol kay Jen.At sadyang minsan mas nanaisin mo na lang na wag na lang malaman ang katotohanan kasi baka di mo kayanin.Pero iba ang naging karanasan ni Intoy.Parang nagising sya sa isang bangungot tapos panandaliang aliw,binangungot ulit.Ang mas masakit,sabay sabay dumating ang kasagutan sa matagal na nyang hinahanap.Ang hindi ko maintindihan,mas madali syang nakaget over after nyang mahanap muli si Jen.Siguro kasi atleast ngayon,alam na nya ang katotohanan.Ang gulo nga lang ng love story ni Intoy pero panalo.Para silang mga kasangkapan.Kinailangan nila ang isa't isa para mabuo ang isang masarap na putahe.Kumbaga,mahal ni Intoy si Jen pero gusto nya si Tina.Si Tina mahal nya si Jen.Si Jen gusto nya si Tina pero mahal nya si Intoy kaso nga ayaw nyang magmahal.Ewan,basta ang ending nagmigrate na si Tina sa Canada after her thesis and Jen was with her for her studies daw.And then si Intoy,luminaw na ang lahat at kailangan nyang mag move on.Hanggang isang araw,nakareceive sya ng FB message na nakapangalan sa kanya.A short mysterious message saying "congrats"! Alam na kung kanino galing at nakabuo na nga sya.Napakagandang regalo at remembrance para sa kanilang tatlo.Ano man ang tawag sa lab story ni Intoy,ewan ko.Basta alam ko parang fruit salad.Pinaghalo halong emosyon .Bahala ka na lang magtimpla ayon sa sarili mong lasa. Pangalawang dahilan,hindi ko nagustuhan ang pagkagawa ng lovestory.Para kang nagbabasa ng informal lesbian porn na threesome.Sige,wag na tayong paplastic,sino ba naman ang ayaw ng ganon sa totoong buhay.Pero tingin ko,may lugar ang mga ganong eksena.I just find it weird how their love story with Jen ended that way.Ewan ko,siguro conservative lang na ewan din ako.Gaya nga ng sinabi nya,ang lahat ay nakadepende sa tumitingin at kung saan sya nakaposisyon.... Ganon pa man,parang nagustuhan ko yung Character ni Jen at Tina.Para sa akin sobrang astig.Parang there's a touch of "friends with benefits" tapos sinamahan ng Olivia Wilde/Ellen De Generes na character.Yun bang di mo pinangalandakan sa buong mundo ang sexualidad mo.I admire the characters kasi she still got to enjoy her feminity.Yung hindi mo kailangan manamit ng panlalake para mapanindigan mo at maipakita mo sa mundo kung ano ka sa lipunan.Yung normal lang yung buhay nyo.Yung nirerespeto ka pa din bilang babae.Yung may nagmamahal pa din sayo.I don't refer to the "lesbian part" pero gusto ko yung ugali,pananaw at katayuan nila sa buhay.Para bang pinapahiwatig na kahit ano ka,tuloy pa din ang buhay.Hindi mo kailangan ibida ang sarili mo sa iba.Sa panahon kasi ngayon,mahirap dumipende na lang sa iba lalo na sa lalake.Mahirap iasa ang sarili sa iba.Wala na nga halos atang hadlang para hindi ka magtagumpay bilang babae.Gusto ko lang yung pakiramdam na kahit iilan lang ang taong nagmamahal sayo,atleast yung respeto nila sayo buo.Yun bang no one looks down on you just because you're an emotional woman.Gaya ni Tina,sino bang makakapagsabi sa mga tauhan nya na sa kabila ng strong personality nya ay isang puso na madaling masaktan at umiyak.No one is forced to pity you because you're a woman.Gusto ko yung feeling na kahit anong mangyari,di ka sabog.Di ka na lang biglang iiyak .Gusto ko yung tough.Yung when everything else fails,you can gather or pull yourself together.Alam ko impossible ata yung naiisip ko pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay muli sa ibang character,siguro hihilingin ko yon.Gusto ko yung independence at strong personality nila. Siguro nga,may WILD SIDE ako at kaweirduhan or abnormality.Di ko alam tawag dun.Ang tao ang hilig hilig pagusapan at husgahan ang iba.Yung iba,mahilig gumawa ng pagchichismisan.Pero ako busy akong intindihin ang sarili ko at lahat ng kaweirduhan ko sa buhay.Tama siguro sya,sarili ko nga di ko maintindihan,iba pa kaya:0) may napansin din ako,eto lang ang libro na may review ako kasi eto ay may kwento at parang pocketbook ng tatoong buhay at napaisip ako ng madaming beses.Para bang hinahamon ako ng author na magisip at umintindi.Siguro,this book is not that complicated,ako lang ang complicated!
1 Comment
a
8/8/2017 12:42:16 am
a
Reply
Leave a Reply. |
Archives
December 2012
Categories |