Andami-dami na ngang corrupt sa lipunan pati ba naman yung flashdrive kong 8GB lang? Daig ko pa nagkaroon ng selective amnesia. Parang ang digital ng pagkakaumpog ng ulo ko sa pader tapos sabay sabay nawala yung mga magagandang ala-ala ng buhay ko. Ang sakit sa betlogs grabe. Di ko alam gagawin ko nung hindi ko na maopen yung mga files na nakasave dun. Hanggang hugot-saksak-refresh lang kasi yung kaya kong gawin dun sa flashdrive. Nirestart at pinukpok ko na yung laptop ko wala pa din. Bukod dun, wala na akong ibang alam gawin kundi ang magmahal ng medyo sapat lang. hihi. harot.
Wala sa flashdrive ko yung impormasyon tungkol sa Anatomy ng Angels Burger pero seryoso, andun yung collection ng mga landi-moments ko at lahat ng first-time ko sa buhay. Andun yung mahigit isang libong pictures na hindi kayang pantayan ng yaman ni Binay kaya sobrang halaga nun sa'ken to the moon and back. Andun yung 25% ng lifetime ko. Sobrang iningatan ko yun dahil alam kong darating yung panahon na matatagpuan at mahuhukay ito ng mga archaelogists at ito ang magiging “Greatest Discovery in the History of Mankind”. Ang flashdrive na yun ang babago sa nakagisnang sibilisasyon at yun ang magpapatunay sa buong sanlibutan… na meron talagang forever. Lesson learned? Kelangan ng back-up sa lahat ng bagay. Hindi literal na ‘reserba’. 'Reserbang emosyon’ lang para maging handa sa lahat ng kashitang pwedeng mangyari. Pero continental pakyu pa rin sa laptop kong puro virus kaya nadamay flashdrive ko. Barubal. Tarantado. Walang kwenta. Talipandas. Hayoopp!! Magsama kayo ni Lucy! Pakyu na din kay Victor at Janine! Team Yvonne ako forevs! Pero buti na lang narecover lahat ng files. Saya. :) Source:israelmekaniko OMG,I can totally relate to this! Nung isang araw lang na-corrupt SD card ko.Halos maiyak iyak ako.May back up naman yung file pero di lahat ng photos na back up! waaa!
0 Comments
|
ANYTHING TRENDING ON SOCIAL MEDIA.FOR ENTERTAINMENT PURPOSES ONLY.NO INFRINGEMENT INTENDED.
Bawal ang sad.Dapat happy.Welcome to my blog! Naglalaman ng mga walang kakwenta kwentang bagay pero mageenjoy ka promise!
Archives
July 2017
CREDITS (tumblr & twitter accounts
Disclaimer:
Everything I put on this specific blog page were mostly grabbed from social media I am following as stated below.I usually do not remove or edit to give proper credit to the respective owners as much as possible. Categories
All
|