" buhay ko ang aking inalay para sa ating Kalayaan.Ano ang kaya mong gawin para sa ating Inang Bayan? "Traydor ba ituturing ang taong binigay ang lahat alang alang sa kalayaan? Ano nga ba ang mas masakit? Ang mamatay para sa bayan ngunit walang pagkakalinlan man lang o ang patayin ka ng sarili mong kababayan? Akala ko,madami na akong alam tungkol sa ating kasaysayan.Pagakatapos kong panoorin ang pelikulang ito,nalaman ko na madami pa pala akong dapat malaman at madami akong katanungan sa aking isipan.Madaming katanungan ang dapat sagutin.Madaming katotohanan ang natabunan at naitago sa karamihan. Salamat sa film makers at ang buong cast nito na talagang naglaan ng oras,nagsaliksik at gumastos ng malaki upang maipalabas ang pelikulang ito. Ang pelikulang ito ang nakakapag pabago sa akin na supportahan sila upang lalo silang ganahan gumawa ng pelikula na hindi nakakainsulto sa talino ng manonood.Salamat dahil kahit alam nilang hindi masyadong kikita ng malaki kumpara sa mga kasabayan nila,gumawa pa din sila sa hangaring magbigay kaalaman at gumising sa diwa ng mga kabataan upang kumilos at gumawa ng paraan kung paano makatulong sa ating bayan. Sana nga talaga. Sa pelikulang ito,nalaman ko na unang Presidente si Bonifacio dahil sa pagpunit ng cedula.Ayon sa pagpapaliwanag,ang pagpunit ng cedula ay simbolo ng pagaaklas laban sa mga Kastila.Ibig sabihin,hindi na tayo nasa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at kalaunan,kinulong ang magkapatid na Bonifacio at pinatay dahil sa kasong pagtaksil na walang patunay. Ilan sa mga isyu ng hidwaan ay dahil sa pag question sa kakayahan ni Bonifacio na mamuno dahil sa wala syang pinag aralan. Ang nakakapag taka lang,nabuo ni Bonifacio ang KKK at namuno sya dito kahit na wala syang pagaaralan.Ginugol nya ang panahon at lakas para dito upang magpatuloy ito alang alang sa kalayaan.Paanong biglang yun ang pinansumbat sa Naisip ko lang,maaring mas kailan nga ang isang taong may pinagaralan para mamuno at magiging maayos pa sana ang organisasyon ngunit bakit tila hindi yun ang kanilang hangarin? Sa tingin ko dahil na rin sa pulitika.Kung talagang may pinagaralan,bakit humantong sa ganon? Kung ang kanilang hangarin ay ayusin ang organisasyon bakit kailangan humantong sa pagpatay sa magkapatid? Sa tingin ko,pulitika ang sumira sa kanila at nakakalungkot minsan,kahit ang isang marangal na tao pag binigyan mo yan ng posisyon or kapag nainvolve sa pulitika,minsan napapasama na din dahil sa kapangyarihan. Ang pulitika nga naman,maaring magpapagamit ka dito o ikakasira mo.Kasakimaan ang simura sa lahat. Syempre hindi natin masasabing perpekto ang pagsasadula ng buhay ni Bonifacio.Naisip ko lang,maaraing madami pang katotohanan ang nakatago at sa paglipas ng panahon ay unti unting lilitaw dahil na din sa puspusang pag aaral ng mga dalubhasa.Hindi nakapagtataka yun.
Madaming nagsabi na hindi bagay si Robin na gumanap bilang Bonifacio dahil sa "bad boy image" nito.Ngunit madami ding nagtanggol na ang mahalaga ay ang mga aral na gusto nilang iparating sa publiko dahil king tutuusin,walang nabuhay sa panahon ni Bonifacio para masabing maisasadula ang itsura nya na perpekto. Para sa akin,hindi ko na din pagaaksayahan ng panahon kung hindi kamukha ni Robin Padilla si Bonifacio o kuing ano pa man. Ang mahalaga,ginawa nila lahat ng makakaya nila para man lang maiparating ang nais nilang maiparating sa taong bayan. Pra sa akin,mahalaga ang ganitong mga dokumentaryo upang kahit papaano ay mahikayat natin ang mga kabataan na lumingon sa ating pinanggalingan.Sabi nga ni Rizal,ang taong di marunong lumingon sa pinanggalin ay hindi makakarating sa paroroonan. Habang ako ay nanonood,hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing isisigaw nila ang "mabuhay ang pilipino" o do kaya may handang mag alay ng buhay alang alang sa ating kalayaan. Naiiyak din ako dahil sa katotohanang,kung sila ay buhay ngayon,masasabi kaya nilang worth it ang pagkamatay nila at proud sila sa makikita nila ngayon? Its true,politics either kill you or make you.depending on who's power is stronger,they will dominate. Greed destroys things.It does. I wonder whats with the rage.the way he was morbidly killed must come as personal rage. Also,who wrote the biography? What happened to Gregoria after?
0 Comments
Leave a Reply. |
MOVIES WORTH WATCHINGPersonal reviews on the movies I enjoyed watching. Archives
June 2015
Categories
All
|