Kwentong maaring matatawa ka habang umiiyak.SO far,eto ang libro ni Bob Ong na mejo seryoso dahil kinuha nyang pagkakataon ito upang ipakilala nya ang isang klaseng tao sa ating lipunan na madalas nating hamakin,kainisan at kinakawawa.Hindi naman sa natutuwa tayo sa ganong buhay pero gusto lang maipadama ni Bob Ong sa kanyang mambabasa na meron din naman silang puso.At kaya nila pinili ang landas na ganon ay dahil na din sa kagustuhan nilang makatulong at mabuhay. Ito ang kwento ng magkakaibigang sabog lagi.Si CYrus ang pinakabata pero pinaka mabilis dumekwat sa lahat.NAkatira din sya sa puder ng ama amahan nyang di nya kaano ano pero kinupkop sya nito.Ito din ang dahilan kung bakit halos isanla nya pati ang buhay nya para lang mapagaling ang lolo.Pero sa bandang huli,aksidente nyang nabiril ang lolo sa kalagitnaan ng isang pangit na panaginip.
Si Noel,galing sa mejo may kayang pamilya pero napariwara ang buhay.Naghahanap lang naman ng attention dahil parang walang pakialam na ang tatay nya sa kanya.Halos karamihan na ata ng gamit sa bahay ay naisiangla na nya kaya no wonder nakapodlock halos lahat ang mga cabinet sa bahay para wala syang manakaw.Lumayas sya sa kanila,tumira saglit kina Cyrus at dun nya natutunan ang mga bagay bagay.Narealize nya ang kanyang pagkakamali kaya napasya syang umuwi for another chance.ALam nya na wala syang ginawang matino kundi kahihyan sa pamilya.Ganun pa man,laking gulat nya dahil paguwi nya,isa pa din tanong ng nanay nya "kumain ka na ba anak?''....at ang kapatid nyang maliit na sabik syang tanungin kung saan ba sya galing at ang tagal nyang di nagpakita. Si Voltron,malaki ang katawan pero mahina utak.Ang tanging namatay sa grupo.Natagpuan na lang ang hiwahiwalay nyang katawan sa ilog.Buti na lang nakatatoo ang totoo nyang pangalan na "denver" kaya agad syang nakilala. Si Jim ang tanging may asawa sa grupo pero iniwan din sya ng asawa nya dahil sa illegal nyang pagnanakwa para lang maitawid ang pamilya. "mga bata pa kayo.Kapag pinaniwala namin kayo na hindi kayo naglalaro ng tubig kahit basang basa ang damit nyo,kayo ang niloloko namin hindi kayo ang nakapanloloko" Masasabi ko lang : Actually,di ko alam kung bakit "McArthur" ang pamagat ng libro nya e wala namang kinalaman kay MC Arthur yung kanyang sinulat.Si Bob Ong ay may konsepto na gumagamit ng titile na alam nya na kapag nakita to ng mambabasa maiintriga sila at pag natapos niang mabasa ay lalo silang maiintriga dahil wala naman alagang kinalam ang title sa mga laman ng libro nyo.Sya yung tipong baliw lang..pati kulangot,tae ,mga ipis at kung ano ano pa ang paborito nyang pagusapan.ISama mo pa dyan yung pasimpleng banat o patama sa ating gobyerno o di kaya sa mga taong may kanya kanyang paniniwala . Over all nagenjoy ako,napaisip at naloka...ikaw na Bob Ong!
1 Comment
JJ
10/8/2020 01:30:45 am
Amadeos/ Amadeus 'yung tatu ni Voltron.
Reply
Leave a Reply. |
Archives
December 2013
Categories |